• Home
  • Fresh Scoops
  • Kobe and Andre Paras say they are happy with out Jackie Forster in their lives

Kobe and Andre Paras say they are happy with out Jackie Forster in their lives

Benjie Paras' sons say Jackie could have sent her video personally to them.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/28/2013 8:45 PM
Kobe and Andre Paras say they are happy with out Jackie Forster in their lives


072913-paras_main.jpgNagsalita na din ang mga anak ni Benjie Paras at Jackie Forster na sina Andre at Kobe matapos ang matitinding rebelasyon ni Jackie noong isang Linggo sa The Buzz. Pumirma ng endorsement management contract noong Huwebes ang magkapatid kasama ang kanilang ama at ng kanilang co-manager na si Lolit Solis at dito sila naglabas ng saloobin sa press. “Wala, I don’t care. I’m happy with the life I have. I have a new mom. She’s better. And she treats us the way that we want to not like what she did to us. I’m just focusing on the good side not on the bad side. The past is the past. We told her to stop before what she’s doing now, it’s not sinking in her. So yun nakakainis na talaga eh. She’s not listening talaga,” mariing sabi ni Kobe. 

“I can say it’s not for us. It’s for the public. You can tell it’s for the public, kasi if she wants it to be for us, she could have sent it personally,” dagdag pa ni Andre. 

Nagsalita na din si Benjie tungkol sa saloobin ng kanyang mga anak sa interview na ginawa ni Jackie. “’Di lang kasi maganda, ‘di nila nagustuhan is laging sinasabi pinagantay siya sa gate, hindi siya pinapasok. Five years ago, andun siya, may kasama siyang lawyer, sa bahay. So pumunta siya roon kinausap niya ako, gusto niya, na andoon daw sa rules yung visitation rights. Sabi ko, oo naman, sige. Kinausap ako noong lawyer, sabi ko, go ahead kausapin niyo na sila. Nag-usap sila roon. Then doon na nga sinabi nila na we are not yet ready. Then bumalik pa din siya, sige okay pa din.

Sa pangatlong pagbisita nagsama na si Jackie ng social worker na siyang kumausap sa mga bata. “Pinasabi nito kasi he doesn’t want to go with her, tapos dito na lang siya sa mom niya, sa bago niyang mom. Sabi nun social worker, di mo siya totoong nanay. Step mom mo siya. Ito ang nanay mo, so sumama ka sa kanya. So medyo parang di yata tama.  
Doon nakita ko na medyo umiyak. Then dumating na si Andre. Kinausap na ulit yung nanay niya at sinabi give us time. We’re not yet ready,” dagdag paliwanag ni Benjie.

Pero hindi naman daw nawawalan ng pag-asa si Benjie na magkakaayos din si Jackie at ang kanilang mga anak balang araw. “Marami akong cases na nakikitang ganyan, later on pag matanda na yung mga anak, time to forgive na eh. Make things work for each other. So siguro yun na lang po ang antayin natin.” 

Nagbigay naman ng kanyang reaksyon si Jackie sa kanyang Twitter account sa mga sinabi ni Kobe at Andre tungkol sa kanyang interview. “Someone sent me the link already. Masakit. Yun naman yung intention di ba? I pray they get endorsements. I still want what’s best for them.” Sinabi din ni Jackie na handa niyang patawarin ang kanyang mga anak ng paulit-ulit. “Please do not bash my children. I’m begging people to not blame them. They don’t know what they are saying. I will always forgive them.”