• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Xian Lim still mum on the status of their relationship

Kim Chiu and Xian Lim still mum on the status of their relationship

The stars of the movie “Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo?” both avoid answering the question if they are an item or not.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/28/2013 8:43 PM
Kim Chiu and Xian Lim still mum on the status of their relationship


072913-xiankim_main.jpgSa live interview ni Xian Lim at Kim Chiu sa The Buzz nitong Linggo ay nireveal ng dalawa kung paano sila kung may crush sila in relation sa pelikula nilang “Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo?” na showing na sa July 31. 

Kapag may crush daw si Kim ay iniiwasan niya ito. “Lumalayo ako kasi nakakahiya. Ang kapal naman ng face mo may crush ka, sasabihin mo pa ‘Hi Crush!’” natatawang kwento ng young star. Natameme si Kim though nang tanungin ng The Buzz host na si Toni Gonzaga bakit kay Xian ay hindi siya lumayo.  

Naalala naman ni Xian yung elementary days niya kung saan ay nireject siya ng kanyang crush. “Sa kin naman, hindi naman sa ‘di ko na makakalimutan, yung mga elementary days tapos may crush ako na made me feel so ugly, ‘di naman mataba, andun ako sa awkward stage yung ‘di mo pa alam ‘yung gagawin mo sa sarili mo. ‘Yung nanggagaya lang.” 

Naikwento din ni Kim ang kanyang unang ‘puppy love.’ “ ‘Yung una kong puppy love. Noong high school. Bakit ganun ang nangyari? Magdyowa lang kami ‘pag nasa school. School lang, recess, lunch, ‘yun lang. ‘Yun pala ‘yung mali dun. Pagkatapos ng school year wala na pala.” 

Malaking impluwensya daw ang kanilang director sa movie na si Bb. Joyce Bernal sa character ni Kim na si Sandy. “Sinubukan ko and ayun na-enjoy ko naman,” sabi ni Kim. “Lahat ng babaeng walang confidence, akala nila panget sila but there’s something beautiful sa each and every one of us,” dagdag pa nito. “Si Sandy kasi matalino, mapagbigay, maalaga at mapagmahal. Sobra siyang mapagmahal. Siyempre ang daming babae ngayon na magmahal at di sila nakakatanggap ng something in return. Dito sa pelikulang to malalaman nila yung tamang proseso ng pagmamahal.” 

Marami din daw natutunan si Kim nang malaman niyang hindi siya crush ng crush niya sa movie. “Siyempre tinanggap. Tapos nagmove on. Kasi bawat isa sa atin ‘di naman yung pinicture natin na siya na ‘yung kasama ko habang buhay. Hindi eh. May iba dyan na para sa ‘yo. Ano man ang itsura mo, may lalaki o babae na karapat dapat sa yo. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. There’s always a rainbow after the rain.” 

Napunta naman ang tanungan tungkol sa relasyon ng dalawa in real life. Nagreact si Xian sa sinabi ni Kim last week sa interview niya with Boy Abunda na hindi siya iniwanan ng ka-love team sa mga pagsubok na pinagdaanan nito. “Siyempre naman lahat tayo we face challenges in our lives so dito sabi ko naman kay Kim, I’ll always be there for her. If you need someone to talk to andito lang ako,” sabi ng aktor.  

Iniwasan naman  ni Kim at Xian ang tanong ni Toni kung ano na nga ba ang estado ng kanilang relasyon ngayon. Sagot lamang ni Xian, “We love our job, we just do what we have to do. What we have to do is we have to be good in our movie di ba? Kaya dapat suportahan ng lahat.”