• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada's advice to son Daniel Padilla: 'Huwag masyadong magmadali'

Karla Estrada's advice to son Daniel Padilla: 'Huwag masyadong magmadali'

Karla Estrada denies rumors that she is a stage mother to son Daniel Padilla.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

7/26/2013 9:20 AM
Karla Estrada's advice to son Daniel Padilla: 'Huwag masyadong magmadali'


072613-karla_main.jpgAs her eldest son Daniel Padilla's popularity continues to rise, Karla Estrada admitted she has gotten used to having to deal with all the intrigues that comes with fame. “Nakakatuwa kasi siyempre mahirap kasi meron pa ring mga taong nabubuhay sa inggit. So alam mo yung buhay nila parang impiyernong walang apoy. Ang hirap eh. Ako naman, hindi naman ako super bato pero napagtibay na ako ng panahon eh. Ang galing kong dumedma diyan. Ang improtante, yung mga taong nakakakilala sa akin alam nila kung anong ginagawa natin sa pang-araw-araw. Alam nila kung sino ang mga natutulungan natin and yun ang importante sa akin talaga. Mas nag-re-react ako pag tungkol sa anak ko. Kasi pag tungkol sa kanya at pagkakamali niya ang naisusulat, ang para sa akin ay nagkamali ako bilang pagpapalaki bilang ina,” she said.

Karla said she understands why DJ would want to pick a fight with these kinds of critics. “Yan kasi talagang hindi natin mapipigilan kasi nasa dugo namin naman ang hindi kami magpapaapi pero sinabihan ko siya, ‘O anak last na yan, nakita na nila na may pangil ka. Okay na yan,” she added.

Karla denied rumors that she has become a controlling stage mother. “Hindi naman. Sana nga kaso ayaw naman niya akong isama eh (laughs),” she clarified. The loving mom also denies being quoted as saying, “Pagod na pagod na ako magbilang ng pera” by a showbiz reporter. “Unang una, walang ma-mi-misinterpret kasi hindi ko sinabi yun. Walang ganun. Sobrang nakakatawa di ba? Hindi naman kasi sila mananalo sa akin kasi mas bakla pa ako sa bakla (laughs). Wala akong ganun kasi kung loka-loka man ako sumagot, parang puwede kong sabihin yan eh. Pero hindi ko talaga yan nasabi pa. Nirerespeto ko na rin yung trabaho nila. It’s trabaho for them so bahala na lang kung saan tayo magtapos lahat lahat. Ang sa akin naman, at the end of the day, isa lang naman ang puwedeng humusga sa ‘yo,” she explained.

When it comes to her son's personal life, Karla revealed that DJ does not go out on dates. “Wala naman siyang ganun. So ang labas labas niya, si Kathryn (Bernardo) lang naman ang babae ngayon sa buhay niyang nakakasama niya in terms of trabaho. Tapos kung meron silang konting time, magkasama lagi. Heto kasing relasyon na ito huwag nating tawaging relasyon. Unang una mga bata pa ito and importante na lang sa akin dito is they complement each other. Ibig sabihin hindi naghihilahan pababa. So maging masaya ako para sa ganun. Huwag kayong mag-alala. Nandiyan ang mommy ni Kathryn 24 hours, hindi katulad ko (laughs),” she admitted. Karla said she approves of the Got To Believe actress. “Oo naman, walang problema. Very transparent yung bata, mabait. Pareho sila. Tita Karla tawag niya sa akin,” she added.

The talented actress says she is not worried about her son because he is more conservative than her. “Sa Padilla siguro namana, hindi naman ako ganun eh. (laughs). Conservative at mahiyain yan, kahit sa akin ayaw niyang ganun. Ayaw niya ng masyadong maiksi. Minsan pag nagtatawanan kami ng mga friends sa bahay, sasawayin niya kami, hindi siya nahihiya. Eh mga tita na niya yun! Sasabihin niya, ‘Ma, ang lakas ng tawa niyo.’ Ganun. Sa mga sisters niya, bawal yung mga yun mag-shorts or nakabukaka. Conservative siya,” she said.

If she were to give relationship advice to DJ, Karla said she just wants him to take things slow. “Take it easy, dahan-dahan lang. Huwag masyadong magmadali dahil masakit yan pag nawala,” she said.

For more Kapamilya updates, log on daily to Push.com.ph and follow Push_Mina on Twitter.