• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice and Aiza Seguerra talk about romance and working together

Charice and Aiza Seguerra talk about romance and working together

Charice and Aiza Seguerra are very vocal about their mutual professional admiration towards each other and are very happy that people are more open about their sexual orientation.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/26/2013 9:00 AM
Charice and Aiza Seguerra talk about romance and working together


072613-aizacharice_main.jpgMagsasama sina Charice at Aiza Seguerra sa isang major concert sa Araneta Coliseum sa darating na Agosto. Power of Two ang konsepto at title ng kanilang concert at ibinahagi nila kung paano nabuo ito. Kwento ni Aiza, “When Noel (Cabangon) and I had a concert, on stage pina-jam namin si Charice so siguro from there nagkaroon ng idea mga producers namin to do a concert for the both of us.”

At higit sa pagsasama nila ni Charice sa iisang palabas, nakikita ni Aiza na isang pagkakataon ang kanilang pagtatanghal para iparating ang kanilang mensahe lalo na sa mga kababaihan ngayon at sa kanilang napiling oryentasyon. Aniya, “Hindi naman makakaila the reason why they put us together. Happy ako na dinala kami dito kasi it’s not all the time na nagkakaroon ng mga tao sa show business, like women who are courageous enough to accept who they really are and I think us being together in this concert is sending a message to people that it is okay.”

Vocal naman si Charice sa kanyang paghanga sa galing ni Aiza pagdating sa musika kaya naman sa pagsasama nilang ito, hindi pa rin napigilan ni Charice na purihin ang kapwa singer sa mga naging desisyon nito sa kanyang tunay na pagkatao, maliban pa sa paghanga nito sa kanyang pag-awit. “Ako nandun pa rin sa status na tinatrabaho ko pa rin para marating ko yung status na nasa kanya na ngayon, kung baga matuturing na natin siyang one of the legends. Isa siyang alamat na kapag inisip mo Aiza Seguerra, kahit ano pang sabihin ng tao na si Charice, ‘hottest lesbian,’ nauna pa rin siya, Aiza Seguerra pa rin.”

Bukas si Aiza sa kanyang paghanga sa ginawang pag-amin ni Charice tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, “I’m happy that Charice is finally her own na in terms of who she is and yung acceptance and support ng mga tao sa kanya, they’re very supportive of her.”

Inilarawan din ni Charice ang rason sa kanyang pagkatuwa at paghanga sa kapwa mang-aawit. “Ang gusto ko sa kanya, pareho kasi kaming kalog. Aside from music, life experience din namin. Mabait.”

Pagdating sa makulay na buhay pag-ibig ni Charice na mas bukas na siya ngayon lalo pa at kamakailan sa Kris TV ay lumabas ang karelasyon niyang si Alyssa Quijano. Larawan ng isang masayang umiibig si Charice, “Basta ako masaya ako, understood na yun.” At sa usaping ng planong pagpapakasal ni Charice, tumanggi itong magbigay ng kumento pa. “Huwag na nating pag-usapan yan, nandito tayo sa concert e, trabaho trabaho, darating tayo dyan, bata pa ako.”

Ipinarating din ni Aiza ang kanyang kaligayahan sa unti-unting pagtanggap at pagiging bukas ng madla sa mga tulad nila ni Charice. “Definitely, I’m very happy, finally a lot of people are recognizing that love is equal, love is genderless. May mga nakakaintindi, we all deserve to be happy, we all deserve to marry the person that we love so it’s a right not given to women and men but to everyone despite their gender-preference. I’m happy na nagiging bukas ang isip ng mga tao.”

Ngunit muling nabuksan ang usapin sa kung ano na ang estado ni Charice at ng kanyang ina sa kasalukuyan, at ang pahayag ni Charice dito, “Hindi pa kami nagkakausap, pero eventually everything will be okay. We just need to give her time, we need to give her privacy. Kung baga yung ibang tao parang huwag nang sawsaw, palakihin, they don’t know the story.”

At aminado si Charice na nami-miss niya ang kanyang nanay at kapatid na si Carl Pempengco at hiling ng mangaawit na dumating na din ang panahon na tuluyan maayos ang gusot nilang mag-iina. Dagdag pa ni Charice, “Everyday naman umaasa ako na sana maayos na hindi lang sana dahil may show, hindi lang dahil may mga event or something. Kung maari nga lang gusto ko maayos na kami-kami lang. It doesn’t need to involve press, media or anything, yung magkaayos kami na pamilya lang.