• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual and Toni Gonzaga happy to be finally doing a movie together

Piolo Pascual and Toni Gonzaga happy to be finally doing a movie together

Piolo and Toni both expressed that they waited for a long time for this collaboration under Star Cinema.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/21/2013 10:40 PM
Piolo Pascual and Toni Gonzaga happy to be finally doing a movie together


072213-piolotoni_main.jpgMatagal na ring inaabangan ng lahat ang pagtatambal ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga at Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa isang pelikula. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas ng unang naging magkatrabaho ang dalawa sa isang commercial ng softdrink na siyang iniindorso ni Piolo noon. Si Toni ay simpleng modelo lang noon at di akalaing aabutin ang ganitong tagumpay sa showbiz. Ang pelikula ni Toni at Piolo ay i-didirek ni Olivia Lamasan at kabilang ito sa celebration ng Star Cinema sa kanilang 20th anniversary. 

Binisita ng The Buzz si Toni at Piolo sa kanilang second shooting day at dito ibinahagi nila ang kanilang saya sa magiging magkatrabaho nila. “After I transferred to ABS-CBN, may mga sinasabi na sila na ‘Uy pwede kayo magpartner ni Piolo ganyan. Tapos marami na ring script ang dumaan noon. Tapos nag expect ako na, sabi ko eto na. Tapos ang dami na niyang leading lady na nakapartner. Sabi ko ‘Hala baka matapos na tong karera ko sa industriya di ko talaga siya makapareha. Dumating na ko talaga sa point na ‘ah di ko na talaga siya makakatrabaho.’ Tuwing may bagong leading lady talaga ipapartner sa kanya. To the point na nagselos na ko si Xyriel (Manabat) napartner na sa kanya sa 24/7 (In Love). Hala naunahan na ko ng bata! (laughs)” natatawang sabi ni Toni. 

Dagdag ni Piolo siya din daw ay hinintay din kung kelan niya makakatrabaho si Toni. “Naghihintay lang din naman ako. Natutuwa ako na finally natuloy. One thing I like about her yung devotion niya sa trabaho niya. Pareho kami eh, we’d rather better ourselves kaysa matulog o mag-goodtime. Yun yung gustong-gusto ko sa kanya, yung disiplina.” 

Ayon kay Toni ang movie nila ni Piolo ay, “romantic-comedy on a higher level.” Sabi rin ni Piolo ito ay hindi typical na love story. “Marami na tayong napanood na mga rom-coms, drama, love story but we are proud to say, as cliché as it may sound, it’s not the typical love story that you will see. It’s not the typical ending that you will expect from Star Cinema.” Si Toni daw ay gaganap na si Jimmy, estudyante ni Sir Marco na gagampanan naman ni Piolo. 

Tungkol naman sa kissing scene ay mapagbiro ang sagot ni Toni samantalang si Piolo ay naniniwalang handa na ang kapareha para dito. “She has evolved to what she is now, she is ready for it.” 

Aminado si Toni na kinikilig siya sa bawat eksenang gawin nila ni Piolo sa pelikula. “Di maiwasang kiligin. “This is one project I look forward to every shooting day. Basically the entire story of the movie, lagi akong kinikilig. Tuwing gagawin niya yung eksena, kinikilig na ko. Nakakakilig naman talaga siya. Minsan kino-control ko lang kasi minsan di pwede yung masyadong lumabas din naman. Kelangan reserved din naman. Mahirap-hirap din yung mga mata-mata niya, kaya minsan iiwas-iwasan mo ng konti. ‘Wag mong lalaliman ang tingin.” 

Natawa naman si Piolo nang tanungin siya ni Toni kung kelan niya balak magpakasal. “Hopefully in a few years time bago ako mag 40. Yun naman ang sinabi ko sa anak ko,” sagot ng aktor, na kinuha din ang pagkakataon para ibalik ang tanong sa kanyang co-star. “Siyempre bago ako mauuna ka. Tapusin muna natin ang pelikulang to. Sabi ko nga goal ko yun eh. Hangga’t di ko nakakatrabaho si Piolo talaga i-proprolong ko tong pagpapakasal ko,” pabirong sagot naman ni Toni.