Kim Chiu on what's special with Xian Lim: 'Funny siya'

Kim reveals what it's like working with Xian on their first movie.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/21/2013 10:45 PM
Kim Chiu on what's special with Xian Lim: 'Funny siya'


072213-kim_main.jpgSa paglapit ng pagpapalabas ng pelikulang Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo from Star Cinema na pagbibidahan ni Kim Chiu, itinanong ni Boy Abunda sa special interview ni Kim sa The Buzz inamin niya na iba para sa kanya ang pag-gawa ng isang romantic-comedy film. “Sa napapanood naman po nila I’m more into dramas sa teleserye. Sa past movies ko it’s about love story. Eto it’s different kasi after Ina Kapatid Anak, na sobrang heavy drama, yung iyak ka ng iyak, ito naman tawa ka naman ng tawa. So parang bago siya sa akin. Sabi ko dip ala ganun kadali magpatawa. Kasi taga-tawa lang ako Tito Boy. As in kahit anong joke benta sa akin.”

Madali naman daw naka-adjust si Kim sa set ng pelikula dahil sa kanilang director na si Joyce Bernal. “Unang factor yung director namin. Si Direk Joyce. Sobra siyang nakakatawa. So parang tawa lang kami ng tawa sa set so pati ikaw habang dinideliver mo yung lines mo lumalabas na din siyang funny.” 

Kakaibang Kim Chiu din daw ang mapapanood dito sa pelikula nila na adaptation ng nobela ni Ramon Bautista. “Hindi ko po ineexpect na kaya kong humiga sa tabi ng inodoro. At magpakahiga. At yung eye liner imbes na ilagay sa may eye lashes, nilagay sa eye bags. Yung lipstick kinapalan, ginanyan. Yung buhok ko sobrang kinky. So iba talaga. Sobrang nakakapanibago sa kin. And nagpapasalamat ako kasi yun nga nagawa ko siya, natapos namin siya. Sana suportahan siya ng mga tao.” 

Pagdating naman sa kanyang leading man, mas naging close daw ang naging samahan nila ni Xian. “Mas naging close kami sa isa’t isa. Naging bonded kami kasama sina direk. Kasi si Direk pag break, kumakain kami ng sabay, nagkwekwentuhan kami. So, yun maraming bonding moments.” 

Binigyan din ni Kim ng espesyal na birthday celebration si Xian kamakailan lang at paraan na daw ito ng aktres bilang pasasalamat sa kanyang ka-love team. “Siguro it’s my way of saying thank you sa lahat ng efforts niya, sa lahat ng binigay niyang gifts, efforts, time, wala akong binabalik sa kanya. Nakakahiya, kapal ng fez ko. (laughs).”  

Hindi daw alam ng marami na nakakatawa si Xian in real-life. “Masaya ako pag andiyan si Xian and he makes me feel good, pinapatawa ka niya. Pagkasama mo siya, tatawa ka lang ng tatawa.” 

Sa pagpanaw naman ng kanyang ina, marami daw natutunan si Kim, kabilang na ang pagpapatatag sa kanyang paniniwalang everything happens for a reason. “Everything happens for a reason. ‘Di ba sinabi ko na po sa inyo ito dati? Tapos dun lang ako kumakapit. Na parang, oo nangyari yan, may dahilan kung bakit. Parang ganun. And masaya ako kasi yung isang chapter ng buhay ko sarado na. Alam ko na…masaya ako sa family ko, sa kung ano mang nangyari sa kin, I’m happy, thankful and blessed.” 

Sa mga kritiko naman niya, wala daw dapat ipaliwanag si Kim at sapat na daw ang mga impormasyon na naipakita niya sa publiko tungkol sa kanyang private life. “I don’t owe them any explanation Tito Boy. Ok lang naman sa akin, oo I’m a public figure and I came from a reality TV show, they know where I came from. And siguro yung footage na shinare ko that’s enough for them to know. May iba na dapat i-share, may iba na para lang sa kin…Everyone has their own opinion. You can say what you want to say. Ako to eh. I don’t care what their opinion is. As long as I’m happy, I’m blessed, I’m thankful and contented.”