• Home
  • Fresh Scoops
  • Jackie Forster says she never abandoned her children Andre and Kobe

Jackie Forster says she never abandoned her children Andre and Kobe

The former actress-model flew in from Malaysia just to grant Boy Abunda an exclusive one-on-one interview for "The Buzz."

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/21/2013 11:20 PM
Jackie Forster says she never abandoned her children Andre and Kobe


072213-jackie_main.jpgDumating mula Malaysia ang dating aktres na si Jackie Forster noong isang araw para lamang pagbigyan si Boy Abunda sa isang ekslusibong interview para sa The Buzz, ukol sa hindi nila paguusap ng kanyang mga anak sa basketbolistang si Benjie Paras na sina Andre at Kobe. Bumalik din si Jackie  ng Malaysia kinabukasan matapos ang interview. 

Nagsimula sa industriya si Jackie noong siya’y 15 taong gulang pa lamang at ikinasal kay Benjie Paras sa edad na 16. Noong 2001, nagkalabuan ang mag-asawa at nagpasyang mahiwalay. Nawalan ng bias ang kanilang kasal nooon 2003 at noong 2007 lumisan ng Pilipinas si Jackie, una ay pumuntang Singapore at namalagi na sa Malaysia noong lumaon. Dito ay nagkaroon na siya ng kanyang sariling pamilya sa kanyang Dutch husband. 

Housewife lamang ngayon si Jackie sa Malaysia at inaalagaan ang kanyang dalawang anak na si Jared at Caleigh. Alam daw ng dalawa ang tungkol sa kanilang mga kuya na nandito sa Pilipinas. “Yes, they know them. From day one nakataas na yung mga litrato nila sa bahay,” umpisa ni Jackie. 

Dine-deny ni Jackie na iniwan niya ang kanyang mga anak at ang pag-reach out niya ngayon sa mga ito ay pagpapaliwanag sa kanila. “Ultimately, I want the story to reach my children. Because like I said there’s no other way. I never abandoned them. That’s the most important thing. Masakit para sa tao, lalo na sa bata na iwanan ka. Gusto ko klaro sa kanila na di ko sila iniwan. Never.” 

Gusto ni Jackie na manumbalik ang relasyon nila bilang ina at anak. “I just want them back in my life. That’s all I want. I may have moved away for a little bit but that was for everybody’s benefit. I don’t think that’s selfish to want that for yourself. If I could have, I would have taken them with me,” paliwanag niya.  

Nilinaw din ni Jackie na di binigay ng korte ang custody kay Benjie at siya lamang ang nagbigay nito dito. “It wasn’t granted to him. I think that’s something that I want to be cleared. I gave him custody because I was going to go to school first. When I gave him the custody because I’m leaving the country, the reason why I allowed him to take the kids was because at the event of a medical emergency or let say something happens in the Philippines Benjie would have the right to decide. He doesn’t need my consent. So that’s trust there at that particular time between us.”  

Hindi daw nagsisi si Jackie sa pag-alis sa bansa, pero ang pinagsisihan niya daw siguro ay hinayaan niyang malayo ang mga ito sa kanya. “I can’t say I regret it because I won’t have my husband now. I can’t really see my life without my husband. I can’t see my life without Jared. And specially Caleigh. At that time Tito Boy, I wanted to do what was best because I don’t think at that time I was financially capable. I didn’t have a stable job. It would have been the best just to take them in. I was preparing my life at that time Benjie and I were speaking, it was the best decision. In hindsight, my regret is they were taken from me and I wasn’t able to see them, yes.” 

Huli raw nakita ni Jackie si Andre at Kobe sa isang restaurant noon 8 years ago, noong pinagbubuntis pa niya ang kanyang bunso na si Caleigh. “Technically it was when I was pregnant with Caleigh. I saw them at the mall. At a restaurant by accident. Pagpasok namin sa restaurant andun sila. And of course my heart dropped and medyo nagpanic ng konti yung asawa ko dahil di ako dapat madistress. And so we stepped outside. Then my husband asked me if I wanted to see them or talk to them and I said of course. So I went inside and said hi. That was the last time.”

Naging mahirap daw ang lahat sa kanya dahil inisip lang naman daw niya na best at that time na iwan niya si Andre at Kobe kay Benjie. “That was really difficult. This is between me and my children. Because me and Benjie have our separate lives. And I’d like to think that we are both happy. What’s important is yung mga bata, sino bang ina ang may ayaw ng pinakamabuting sitwasyon, pinakamagandang mga pangarap para sa anak nila? Granted maybe I did things that weren’t the best at the time but now…Tito Boy simula nung umalis ako ng  bansa noong 2007, ilang beses akong umuwi para makita sila. Minsan pagtumawag ako sasabihin o sige, pagdating ko sa pintuan di ako pinagbubuksan. Or sasabihin they have basketball games, or they have exams. There’s always something…Kahit nasa ibang bansa po ako, pagnaiisip ko sila nagtetext po ako. I miss you. I’m thinking of you. This is my number.”

Hindi rin daw malinaw para kay Jackie ang nangyayari sa kanilang ito ng kanyang dalawang anak. “I don’t understand. I don’t understand what led to this point. That’s why it’s so hard for me to understand it. Because everything was ok until that court document became legal.”