• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban on bashers: 'Kung ayaw nila ako makita, huwag nila akong i-follow'

Angelica Panganiban on bashers: 'Kung ayaw nila ako makita, huwag nila akong i-follow'

Angelica Panganiban reacts on her bashers and shares the status of her relationship with John Lloyd Cruz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/21/2013 10:30 PM
Angelica Panganiban on bashers: 'Kung ayaw nila ako makita, huwag nila akong i-follow'


072213-angelica_main.jpgIsang masaya at in love na Angelica Panganiban ang humarap sa press sa launch ng isa sa mga bago niyang endorsements at dito ibinahgi niya ang kanyang damdamin sa kanyang mga online bashers at haters sa Twitter at Instagram. Aniya sa interview ng Cinemaone News, “Feeling ko kasi kung kaya nila mang-asar, ganon lang din gagawin ko sa kanila. Kung naaasar sila sa mukha ko e di ilalagay ko ng ilalagay mukha ko, magse-selfie ako ng magse-selfie. Kung ayaw nila ako makita e di huwag nila akong ifollow, pero nagfofollow naman sila at nagco-comment.”  

Kung sa iba ay mabigat ang pagtanggap nila sa mga hindi magagandang kumento na kanilang nakukuha sa kanilang mga social networking sites, para kay Angelica nabago na ang pananaw niya dito. “I think isa yun sa mga nakakatuwang bagay sa akin dahil isa yun sa advantage ng personality ko, kaya ko siyang i-treat ng ganon, di na ko katulad ng dati. I can say nag-mature na ako pagdating sa pag handle sa kanila. Sanayan lang siguro yon.” Aminado siyang imbes na maapektuhan, ikinatutuwa niya ang mga nababasa niyang mga kumento. “Grabe minsan pag may time talagang tinitingnan ko, tawang-tawa ako. Oh my god, nakakatawa sila magcomment. ”  Dagdag pa niya,  “Meron kasi talagang feeling ko profession yun, may mga ganun talagang tao. Mamba-bash ako ng artista para mapansin ako. Oo  kinaka-career nila. Nakakatuwa naman may paninindigan sila.” 

Nagsalita din siya sa isang hindi magandang kumento sa kanyang Instagram account na may username na @ruffagutierrez. Kung matatandaan, dating nakarelasyon ng boyfriend na ngayon ni Angelica na si John Lloyd Cruz ang aktres at beauty queen. “Naku, ok naman kami ni Ms. Ruffa I don’t think magpapaapekto ako sa ganon, kilala ko naman yung tao hindi siya ganon. At hindi niya gagawin yon ‘di ba. May mga pathetic lang talagang tao, gusto gumamit ng ibang pangalan. ‘Di naman maganda ‘yon. Ano naman mararamdaman ni Ruffa na ginagamit pa pangalan niya para mang-away ng ibang tao.”

Ibinahagi din ni Angelica ang isang bagay na nakuha na niya sa karelasyon na nakatutulong sa kung paano na niya tignan at tratuhin ang mga ganitong pangyayari sa kanyang bahay, “Siguro masyado siyang (John Lloyd)  mahinahon na tao at na-aadapt ko minsan. Maiinis ako sa isang bagay, ‘di naman basically sa social media. Kunyari may ikakairita ako, siya yung, ‘O wag ka na ng ano’, natutunan ko naman. Ginaya ko naman siya at mas maganda. Gigising ako sa umaga na pleaseant, matutulog akong happy … Hindi lang naman dahil sa kanya, siguro malaking bagay yung nagagawa niya sa akin kung paano niya tingnan ng life and nase-share niya sa akin, nagiging ganon din pananaw ko kung paano ako magtrabaho kung pano ko i-treat yung taong ayaw sa akin, kung paano ko dapat ma-appreciate ang buhay. You only live once, piliin mo kung ano tama at masaya para sa ‘yo.”

Saad pa ng aktres tungkol sa relasyon nila ni Lloydie, “Feeling ko kasi nakakainggit talaga (laughs), oo no. Feeling ko talaga kasi kung sa iba mapunta. ‘Ay nakakainggit, e ‘di sirain ko mood nito’. Pero sana dumating din sa buhay nila yung happiness para sa kanila, magkaron naman din sila ng katahimikan sa life. Sana magkaron silang happiness and sense para mabuhay ng mas maganda.”