Gerald Anderson is eager for his teleserye to start airing

Gerald Anderson is excited about working on 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin'; admits he is now more inspired as an actor.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/2/2013 9:37 AM
Gerald Anderson is eager for his teleserye to start airing


070213-gerald_main.jpgIsa sa mga inaabangang teleserye ay ang muling pagbibidahan ng Action Drama Prince na si Gerald Anderson na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Ng nakapanayam si Gerald, inilahad niya ang kanyang excitement para sa proyekto na ito. “We’re all very excited. May shinoot akong isang eksena noong isang araw na sobrang drama action-packed so sana abangan ng marami yun.”

Matagal-tagal na rin ang napag-uusapan ang teleseryeng ito pero maraming nagtataka na hindi pa rin ito naipapalabas. “Marami pang magandang shows ngayon so we just have to wait and see. Hindi naman ako nagmamadali kumbaga sa right time pa siguro. Abangan niyo po, I’m sure magugustuhan niyo.”

Hindi pa rin makalimutan ni Gerald ang kanyang Cannes Film Festival experience para sa pelikula OJT o “On The Job.” “OTJ malapit na rin, abangan niyo po yan, it’s very exciting. Kumbaga sana po panoorin niyo kasi sobrang proud yung mga tao dahil mainit yung pagtanggap sa abroad sana dito rin. Sobrang proud lang ako bilang isang Pinoy at kasi nire-represent ko yung Pilipinas.

Malaki ang epekto ng kanyang karanasan sa Cannes Film Festival bilang isang aktor na aniya’y na mapapanood natin sa kanyang pinakabagong teleserye. Maging sa matalik niyang kaibigan na si Rayver Cruz ay ibinahagi niya ito. “Sobrang saya. Sabi ko nga kay Rayver, ‘Ray balik na tayo sa Pinas gusto ko na mag-taping’ dahil mas inspired ako bilang isang actor. Si Rayver din so lahat yun mapapanood niyo sa Bukas Na Lang Kitang Mamahalin.