• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice speaks up about fans who weren't able to accept her as a lesbian

Charice speaks up about fans who weren't able to accept her as a lesbian

Charice wants to thank fans who stood by her and her choices.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/19/2013 6:11 PM
Charice speaks up about fans who weren't able to accept her as a lesbian


071913-charice_main.jpgSa announcement ng pinakabagong album ni Charice under Star Records, itong pangatlong album ang pinaka special para sa kanya. “Napaka-espesyal nitong Chapter 10 kasi ito na eh. Ito na yung mga songs na gusto ko… although dati hindi ko naman nire-regret yung mga songs na kinanta ko na mga birit-birit. Ito naman it’s not like all the way na, boom! Mababa lahat. Nilagay naman sa gitna yung mga gusto nila na birit but not so much. Yung makikita nila sa album ko, makikita talaga nila kung sino si Charice.”

Sa pag-amin ni Charice tungkol sa kanyang tunay na pagkatao, napabalitang ilan sa kanyang mga international fans ay naging emosyonal patungkol dito at nagbigay naman ng reaksiyon si Charice sa balitang ito. “Siguro kasi isa rin sila sa mga tao na talagang iniisip nila na, ‘Sige na gawin mo na para hindi ka na rin nahihirapan.’ Isa sila sa mga nakahinga ng maluwag, siyempre, I want to thank them. Before naman ako mag-come out nandun yung doubts eh, iniisip mo kung magiging ok ba lahat. Yung ginawa ko kasi parang either mawawala lahat or ok lang, so risky talaga. So thankful naman ako siyempre sa fans ko but thankful din ako sa mga haters syempre nag-apologize sila sa akin. Nire-regret daw nila yung mga sinabi nila sakin. Ngayon, parang ang lagi nilang sinasabi sa akin is, ‘Now I understand you’.”

Maging sa ilang mga tagahanga niyang hindi maganda ang naging pagtanggap sa kanyang pag-amin ay nagbigay din ng reaksiyon ang mangaawit. Aniya, “Sila talaga yung masasabi kong totoong fans. Kasi merong iba na sasabihing fan pero parang sila yung may hawak ng buhay mo. Parang sila yung gustong dumikta gagawin mo. Yung fans talaga na kahit anong mangyari sa iyo nandiyan pa rin so I want to thank din.” 

Sa mga napagdaanan ni Charice lalo na nitong mga nakaraang buwan, ipinagmamalaki niyang mas naging matatag siya ng lahat ng ito, “Stronger kasi wala na kong tinatago unlike before napaka-ingat ko. Ngayon kung ano yung nakikita niyo , ito na talaga ko.” 

Naniniwala ang mang-aawit na mas makakatulong sa kanya at sa kanyang karera ang kanyang pagpapaka-totoo at ang mga pagbabagong nakikita ng kanyang mga tagasuporta at tagahanga sa ngayon. “Ngayong nalabas ko na, nasabi ko na kung sino ako sobrang kumportable na ko at mas nakakapag-trabaho ako ng maayos.” Dagdag pa ng mang-aawit, “Ngayon, we’re just free to work, work hard and everything.”

Kung dito sa Pilipinas ay kaabang-abang ang kanyang bagong album at ang concert nila ni Aiza Seguerra sa Araneta Coliseum, nagpasilip din si Charice sa ilan sa aabangan sa kanya ng kanyang mga international fans, “Siyempre album din pero meeting pa rin, tinitignan pa rin namin kasi ang focus pa rin namin is the album here pero aside from that nandun yung mga guestings… Mag-fly kasi ako this August, I’m going to sing the  national anthem sa Chicago and excited din ako kasi sa Germany. Finally makikita ko na rin yung mga Chasters dun, meron din akong photoshoots and somewhere in Asia I think that would be a great surprise for Chasters sa Asia, hulaan niyo na lang kung saan yan. From the time that I came out magiging busy rin, sobrang busy and I hope magtuloy-tuloy yun.”

Hindi na rin naiwasang pag-usapan ang karelasyon ni Charice ngayon na si Alyssa Quijano at nagbigay din siya ng reaksiyon patungkol sa suporta iniaabot nito sa kanya.  “I want to thank her for that and I know… she’s very talented and I know eventually magiging busy rin siya, hindi rin siya masyadong makakasama sa akin but ngayon na talagang nandiyan siya lagi to support me… yun yung magagawa namin sa isa’t-isa, suportahan lang.” 

Aminado si Charice na wala pa ring nagbabago sa relasyon nilang mag-ina simula nang humiwalay siya sa puder ni Mommy Raquel at aminin sa publiko ang kanyang sekswal na oryentasyon ngunit umaasa ang mang-aawit na sa huli ay maayos din ang lahat. “Hindi pa kami nagkakausap pero syempre still the same pero hoping na pag nakita niya tong mga to, tong mga trabaho na ginagawa ko sana ma-proud siya. I’m just praying always na maging maayos lahat and I know for sure magiging maayos.”