• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo admits her birthday wish includes finding real love

Sarah Geronimo admits her birthday wish includes finding real love

Sarah Geronimo says she wants to grow as a person and find the one who is right for her.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/18/2013 9:25 AM
Sarah Geronimo admits her birthday wish includes finding real love


071813-sarah_main.jpgSa pataas ng pataas ng ratings ng The Voice of the Philippines, nagpapasalamat ang isa sa mga celebrity coaches na si Sarah Geronimo sa tagumpay ng kanilang programa. “Siyempre ibigay din natin yung credits sa lahat ng naggagalingan na artists ng The Voice of the Philippines. Ako proud talaga na maging part of the show, yung makasama yung mga co-mentors ko sila, Ms. Lea Salonga, si Coach Bamboo (Manalac), and Coach Apl, dami kong natututunan sa kanila. And of course yung guest adviser ng bawat coach.”

Sa huling linggo ng blind auditions bago ang inaabangang battle rounds, nagpasilip si Sarah sa kung anong aabangan ng mga tao ditto. “Sobrang suspense at heartbreaking. Heartbreaking talaga kasi wala kaming choice pero talaga i-trim down yung bawat team. Kailangan kaming mamili sa bawat pares o trio man yan.”

Dahil advance taping na rin ang Battle Rounds ng programa, ibinahagi ni Sarah ang kanyang karanasan ditto. “Ay ano siyempre mahirap kailangan pabulaklakan talaga ng words at labasan ng credentials (laughs) at tsaka talang pag gustong-gusto mo yung artist maging part ng team mo, gagawin mo lahat, susuyuin mo na lahat para lang makuha siya.

Maraming reaksiyon ang lumalabas sa social media patungkol sa kanilang apat pagdating sa panunuyo nila sa mga contestants na nais nilang mapabilang sa kanilang grupo. At pagdating kay Sarah, nagsalita na siya sa isyu na kinakawawa siya ng ibang mga judges. “Wala naman yun. Part yun ng pagiging sport ng show, yung fun ‘di ba? Yung yun reality ng The Voice of the Philippines, may pinipili na coach at kailangan maging understanding.” Ngunit aniya, mas aabangan siya ngayon sa estilo na kanyang magiging panunuyo sa mga contestants, “Basta ako yung dedication lang talaga. Kung anuman yung kakaunti na nalalaman ko at sinabi ko sila na give and take kami. Gusto kong matuto from them. Ayokong ako lang yung bato ng bato, gusto ko marinig kung ano yung gusto nila kung ano yung iniisip nila, sa tingin na makakabuti sa kanila tapos tignan namin, mag-umpisa kami dun.”

Nagsalita din ang Pop Star Princess sa Push.com.ph at Showbiz Inside Report Online patungkol sa nalalapit nitong 25th birthday. “Siyempre nandun yung happiness din na umabot ka ng 25 na taon dito sa mundo kasama pa rin ang buong pamilya mo. At my age, marami akong things na hindi ko iniisip na magagawa ko nung kabataan ko. Ito yung ma-consider ka as a mentor at makatulong ka sa mga aspiring artists singers. Ang sarap sa pakiramdam yung pinagkakatiwalaan ka. Siyempre nandun yung tension, yung pressure kasi tumatanda na rin ako, 25, more yung kumbaga nag-level up na rin yung mga expectations from you ng mga tao mula sa ‘yo so nakaka-tense din pero nandiyan naman ang guidance ng Diyos at parents ko. Excited ako matuto, mag-mature kasabay ng pag-age ko.”

Ngunit maligaya man sa buhay, inamin ng dalaga na dumadaan ito sa quarter life crisis. “Opo kasi ito yung panahon na iniisip ko ano ba talaga yung gusto ko. Ipagpapatuloy ko ba to or meron pa kong isang pangarap na sa tingin ko dun ako talaga magiging mas masaya.” 

Sa ngayon ay wala pang plano si Sarah sa kanyang kaarawan, kungdi ang makasama ang kanyang pamilya. Ngunit ayaw niya na muna na mag-isip ng kahit na anong regalo para sa sarili dahil iniisip nito na baka maudlot. At ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan, “Wish ko sa ngayon, mag-grow lang talaga, yung totality ng pagkatao ko. Kasi ito yung passion ko music talaga. Mag-grow lahat ng relationships ko with family, with the Lord at yung relationship ko yung mga kasama ko sa trabaho. So yun lang growth.”

Nagsalita din siya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig na isa din sa mga hiling ng Pop Star Princess sa kanyang kaarawan. “Siyempre parte yun. The next time I fall in love, yun pa rin. Sana totoo na talaga.”