• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino and Victor Asuncion reveal their love story

Yeng Constantino and Victor Asuncion reveal their love story

The singer admits she admired Victor's faith, one of the reasons why she agreed to be his girlfriend.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/14/2013 10:33 PM
Yeng Constantino and Victor Asuncion reveal their love story


071513-yeng_main.jpgAminadong miyembro ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) club, sinabi ni Yeng Constantino na masaya siya sa unang relasyon niya kay Victor Asuncion, na kilala din sa palayaw na Yan. Dagdag pa ni Yeng, 24 years old na siya pero dati ay pa-MU-MU lang siya. “Gusto ko lang po sabihin na ang sarap ng legal. Kelangan ko pong aminin, kasi dati po nung medyo teenager ako, nagMU-MU ako. Textmate-textmate, tinatago ko sa tatay ko. Hindi ko sasabihin, pag may tinext ko, pasok siya ng room tatago ko sa ilalim ng unan.” 

Ayaw daw ni Yeng makipagrelasyon ng seryoso noong panahong iyon dahil sa takot niya sa commitment. “Takot po ako sa commitment. Kasi po siguro nung lumalaki ako nakita ko yung mga pinsan ko, mga kapatid ko na nasawi sa pag-ibig so parang takot ako mag-commit. Natatakot ako na di pala ganun kadali yun na magbigay ka ng oo, pag nag-break kayo, masakit pala yun. Yung kapatid ko pag umiiyak, mga pinsan ko, ayaw ko muna. Nagpapaligaw ako, kung di maghihintay, o sige babay na lang. Tapos yun nga, dumating yung time na to, first time. Nung tinanong po ako ng tatay ko, nung dumating si Yan sa buhay ko, si Victor, Yan yung nickname niya, ano bang nagustuhan mo sa kanya? Sabi ko, ‘Papa, alam mo ngayon ko lang naramdaman na di ako natakot. Di ako natakot mag-commit, di ako natakot na matawag na girlfriend, na feeling mo pag-aari ka ng isang tao, parang sobrang willing ako. Parang sweet surrender.”  

Ikinwento naman ni Yan kung paano niya nagustuhan si Yeng. “At first nun nakita ko siya parang nagandahan ako sa kanya pero more than that sobrang inadmire ko yung passion niya, in what she does, what she sings, sabi ko iba tong girl na to talaga. So yun yung nagstrike sa kin, tulala ako dun.” Hindi naman daw siya naintimidate kay Yeng, at mas nakilala niya ang singer nang sila’y maging magkaibigan. “At first, I noticed she’s really famous, then nakita ko yung side niya sa common friend’s house, nakita ko siya behind the lights. Doon ko nakita na friendly naman siya tapos I got to know her as a friend.” 

Natatawang ibinahagi naman ni Yeng na suplado sa kanya si Yan noong una niya itong nakilala. “Nung nakita ko siya friendly ako pero siya hindi friendly (laughs). Sobrang suplado, lahat ng tao sa church papansinin niya pero ako, dedemahin niya lang ako.” Biglang bawi naman si Yan at sinabi, “Crush ko siya talaga, nahihiya ako.” 

Inilahad din ni Yeng at Yan kung paano sila nagkaligawan. “Last year nun nanliligaw na siya sa akin tapos nagdecide ako na, isipin mo muna kung gusto mo ko. So binalik ko sa kanya yung bulaklak niya, yung letter niya, tapos may binigay pa siya sa kin stuff, tapos yun, binalik ko sa kanya. Tapos nun binasted ko siya umiyak din ako. Parang gusto ko lang din na magisip siya kung ako talaga yung gusto niya. Nagbunga naman. Nagisip naman talaga siya,” masayang kwento ni Yeng.   

Nadepress man nung una si Yan, hindi naman niya sinukuan agad si Yeng. “Siguro mga six months after. So binalik niya yung flowers, sobrang lungkot ko, sabi ko wala na to. So umuwi ako kasama ko yung roses. Paguwi ko may nakasalubong pa akong foreigner, sabi niya,’Hey you’re going out on a date?’ Lalo pa kong nalungkot kasi basted na nga ako, akala pa niya (may date ako). Naluha ako nun, naiyak ako. Hindi pa din ako willing to let go of her. Siyempre yung flowers natuyo siya. Tinitignan ko, nalukungkot ako. Ginawa ko kinut ko siya, nilagay ko sa jar, doon siya natuyo, prineserve ko siya, nilagay ko na siya sa car ko so every time na magdrive ako parang, ‘hay!’” pagpapatuloy ni Yan sa kwento. 

Pero sa huli nagbunga naman yung paghihirap ni Yan at may nakakatawang kwento pa si Yeng nang makita niya ang mga dried flowers sa kotse ng boyfriend. “First day namin, kami na, napansin ko nung lumabas kami sabi ko,’Uy mahilig ka pala sa ganyan yung mga bulaklak dinadry nilalagay sa bote?’ Wala akong kaalam alam. Clueless talaga. Sabi niya na lang sa kin hulaan mo kung ano yan. Sobrang natuwa lang ako mahilig ako sa faithfulness , nung time na parang iniwan ko siya sa ere, he was there pa din kahit masakit na nagreremind sa kanya tungkol sa kin. Tinanong ko siya bakit ganun? Bakit di mo tinapon?”  

Sinabi ni Yan na naniniwala kasi siyang hindi pa tapos ang kwento nila ni Yeng. At yun na nga nagkatotoo na ang kanyang mga dasal. 

Anniversary nina Yeng at Yan ang June 18 at nakakatawa pala ang kwento sa likod ng pangyayaring ito. “Nauna kong sinabi sa magulang ko. Di pa niya alam na boyfriend ko siya. So June 18, umuwi ako sa bahay namin. Tapos sinabi ko na,’Ma,Pa may boyfriend na ko.’ Tapos the next day, the whole day nagdate kami and then 20th ng madaling araw kausap ko siya, ‘alam mo na ba yung balita?’ Sabi niya,’anong balita?’ ‘Boyfriend na kita.’ Gulat yung mukha niya pero more than that nakita ko yung faith niya. Sabi niya, ‘I knew it, that this day will come,’” nakatawang pagkwento ni Yeng. June 18 daw ang official anniversary nila dahil, “In my heart sinagot ko siya Miss Charlene,” tawang-tawang sagot ni Yeng sa host ng The Buzz na si Charlene Gonzales.