Rica Peralejo reveals she is pregnant

After three years of marriage to Jo Bonifacio, the actress admits she is with child.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/14/2013 10:25 PM
Rica Peralejo reveals she is pregnant


071513-rica_main.jpgEnero ng 2010 kinasal ang aktres na si Rica Peralejo at pastor na si Jo Bonifacio. Naging pribado ang buhay ng mag-asawa at ngayon ay pinili nilang ibalita ang bagong chapter ng kanilang buhay may asawa. Ibinahagi ni Rica, after 3 years ay finally biniyayaan sila ng anak. “Una, of course I missed my period. I’m very regular so parang unusual. Aside from that para akong nag-flash back na maraming moments na inaantok lang ako, nahihilo ako, ganun, na akala ko lang talaga baka pagod lang ako. So I took a pregnancy test and then I remember that was like 4’o clock in the morning. When I took it, first I thought it was negative. Teka muna di pa ko nagpregnancy test ever before so I wouldn't know what a positive one or a negative one looks like. Nakita ko dun a faint line is still a second line. So it still means you’re pregnant. Ginising ko agad yung asawa ko, ‘Love sorry, pregnant ata ako.” 

Ayon pa kay Rica, pinagplanuhan talaga nila ng kanyang asawa ang pagbubuntis na ito. Nag-aaral daw kasi si Rica noon sa unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa at isa rin siya sa mga hosts ng Umagang Kay Ganda kaya’t alam nila na mahirap ito para sa katawan ni Rica. “After ko mag-graduate, 2012, we waited lang siguro mga six months to just breathe. We tried but it didn't come right away. Mga six months kami nag-try.  And we are just glad na hindi sa timing namin, kundi sa time talaga ni God dumating yung baby.”  

Boy ang gustong maging anak ni Rica habang si Jo ay babae naman. “Ako kasi more on boy kasi yung mga pamangkin ko halos babae. Siya naman all boys sila sa family so sabi niya I would really want a girl. Eh kung anong dumating, anyway naman a child, any child is a blessing.” Handa na din daw ang magiging pangalan ng kanilang anak kung sakali. “Very sure na ako for the names I want for my children. If it’s a boy, I’ll have him as Philip. If it’s a girl naman, Olivia.”