BB Gandanghari denies he has AIDS

BB says it is unfair for people to judge him having the disease just because he is gay.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/14/2013 10:35 PM
BB Gandanghari denies he has AIDS


071513-bb_main.jpgSa eksklusibong interview ni Boy Abunda kay BB Gandanghari sa The Buzz, isinalaysay niya kung ano talaga ang tunay na nangyari sa pagkaka-admit niya sa ospital kamakailan lang na naging daan ng pagkakaayos niya sa kanyang pamilya. “I was very weak already. From my bedroom to the restroom, di naman ganun kalayo yun. I’m living in a condominium, hindi ko na kaya umabot. I would stop somewhere to rest bago ako makapunta sa banyo. So I was really very weak already, actually delirious na halos, wala na akong bukang bibig kundi ‘Mama, Mama,’ ganyan. And I was praying ‘Diyos ko, wag mo akong pababayaan.’ I thought I could really get through it. Parang alam kong lilipas eh, yung pakiramdam ko.” 

Dagdag pa ni BB, gutom na gutom na din siya nang dumating ang kanyang inang si Eva Carino, para tulungan siya. “Because for two days I was having profuse sweating, so I had no sleep kasi during the night, I would sweat a lot and then chilling at the same time. So I cannot get out of my blanket para magpalit, kasi nilalamig ako, wala akong kasama sa bahay. So pakiramdam ko, nung nasa ganoon na kong sitwasyon, di ako makainom ng tubig because di nga ako makatayo, tapos di rin ako makakain. That’s for two days, so nung dumating si Mama, I was totally dehydrated and siguro gutom na gutom na ata ako at that time.” 

Diagnosis daw ng doctor pagdating nila sa ospital ay severe Urinary Tract Infection ang kanyang naging karamdaman. Ibinahagi pa ni BB ang nakakatawang eksena sa pagitan ng kanyang kapatid na si Robin Padilla at ng kanyang doktor. “Nung dumating kami sa hospital, my fever was 40 (degrees) already, and then I had infection, kasi I had UTI maybe because of the dehydration. Kasi sabi nga ng doktor, pwede fast forward tayo ng konti, nung tinatanong ni Robin sa doktor, ano bang nangyari dok? So meron siyang UTI mga ganyan (sabi ng doktor). So sabi ni Robin, ‘Dok, ano bang cause ng UTI?’ Sabi nun doktor, ‘Alam mo kasi parang sakit talaga ito ng babae. Hindi usually nangyayari sa lalaki, usually sa babae.Kaya dun nagsalita si Robin na, ‘Pati talaga sakit ng babae na-imbibe mo na.’ So natawa naman ako dun.” 

Ayon din kay BB, nakalala sa kanyang kalagayan ang pag-wowork out niya ng sobra-sobra para mamaintain ang kanyang weight. “Pero I think it’s because of the dehydration. Kasi before that I was really working out too much. I would do Zumba, I would do yoga, I would run in the afternoon. I wanna maintain (my weight). Di ako umiinom ng tubig, umiinom ako ng tubig but I would drink tea as replacement for the water, tapos meron akong iniinom na parang mineral water pero sabi ng doctor sa kin is really the best is yung regular water… At that time my regular ano was, I would only eat once a day. I would eat the whole day mga fruits pakonti-konti, but I would eat one full meal sa gabi.” 

Sa puntong ito, pinabulaanan ni BB ang mga bali-balitang ang totoong dahilan ng kanyang pagkakasakit ay isang nakakahawang karamdaman tulad ng AIDS. “Actually di ako nagbabasa. Nakakarating lang sa akin. Sa akin nga, ‘Ha?’ Sabihin na natin, may AIDS daw, mga ganyan, but the thing is I am not even promiscuous. At ang masakit doon nirerelate porket I came out as gay kelangan may AIDS na siya. Parang unfair naman. Hindi ho sakit ng gays, transsexuals or transgender AIDS kasi sakit yan ng promiscuous na tao, whether gay or straight.”  

Nakuha pa ni BB na magbiro tungkol sa kanyang naging sakit. “It was an ordinary UTI, kasi nagwiwi na ko ng dugo but to make it (clear), kasi nun nagpapanic na ko, ayaw ko magpanic, sabi ko, ‘Oops nagP-PMS na ko.’” 

Bumisita din sa set ng The Buzz si Mommy Eva, na nagbibirong sinabi na balak na niya dalhin sa punerarya si BB nang makita niya sa condo nito. Sinabi din niya kung paano niya napapunta ang mga kapatid ni BB sa ospital. “Basta nagsalita na ko walang pwedeng tumanggi. So nung nasa ospital na siya, tinawagan ko na sila, si BB kako nasa ospital, ganyan ganyan. Si Robin ang unang dumalaw. Tapos yun lahat ng kapatid niya dumalaw na at nagkaroon na nga ng katuwaan. Biglang nagbago ang mukha niya nun nabuhay. Kasi nung una kong makita sabi ko nga, tatawag na sana ako ng punerarya.”

Sa huli sinabi ni BB, na hinanap talaga niya ang kalinga ng pamilya ng mga panahong iyon. Sa tulad daw niyang single, pamilya lang talaga ang una niyang masasandalan.