• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai Ai delas Alas says she did not violate the court's gag order on her case against Jed Salang

Ai Ai delas Alas says she did not violate the court's gag order on her case against Jed Salang

The actress shares how she is filling her life with positive vibes during her one month vacation in the States.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

7/14/2013 10:30 PM
Ai Ai delas Alas says she did not violate the court's gag order on her case against Jed Salang


071513-ai_main.jpgHalos araw araw ibinabahagi ni Ai Ai delas Alas ang kanyang kasiyahan sa kanyang Instagram account dahil since June 19 ay kasama niya sa isang mahabang bakasyon sa US ang kanyang mga anak na si Sancho, Sophia at Nicolo. 

Nagkaroon ng ekslusibong panayam ang The Buzz, through Skype, kay Ai Ai, kung saan ibinahagi niya kung ano-ano ang ginagawa nilang mag-anak sa araw-araw.  “Masaya kasi lahat kami kumpleto dito at nagagawa ko ang mga di ko nagawa ng ilang taon din kasi masyadong busy rin ako. Tapos wala yung dalawang bata, si Niki at Sophia,” lahad ni Ai Ai. 

Si Sancho din ay nagshare na masaya silang nakikita ang kanilang ina every day, na madalas sa Pinas ay wala sa kanilang bahay dahil sa trabaho. “Sobrang good vibes every day. Palagi lang naka smile si Mama,” dagdag pa ng panganay ni Ai Ai. 

Dahil dito naramdaman daw muli ng Comedy Queen ang pagiging ina niya dahil sa pagaasikaso sa kanyang mga anak sa halos isang buwang pamamalagi sa US. 

Sa kabilang banda, naghain daw ng site for contempt si Jed Salang laban kay Ai Ai dahil daw sa di pagsunod ng komedyana sa gag order ng korte. Matatandaan na nagsampa noong isang buwan si Ai Ai ng kasong Anti Violence Against Women and Children laban kay Jed at ito’y dinidinig pa din sa korte. “Sabi naman ni attorney, walang basis yun, never naman akong nagsalita about sa case. Yung mga interview ko, siyempre artista ako, so sinasagot ko lang yung about pag-alis namin. And about sa kids wala akong sinasabi. Always ko sinasabi na after nung sa The Buzz, na dun na yung end. Baka sinasabi nila yung sa Yes tsaka yung sa ano, one month prior sa gag order nila tapos na yun.”