The 35-year-old actress said she believes that women have to fight for the right to equality. “Hindi porke pag babae ka, hindi ka na puwede lumaban. Hindi na ganun ang panahon ngayon. Kailangan kaya mo, kailangan wala kang hindi kaya. Kaya isa sa mga bagay na nung prinesent sa amin ito, wala yatang five minutes umoo na kaagad ako eh. Kasi merong kang gustong ibigay na mensahe sa mga tao, hindi lang siya basta teleserye. Hindi siya basta show na magpapaiyak ka lang ng mga tao. Gusto mong mamulat ang mga tao sa katotohanan na sa panahon ngayon kailangan marunong kang protektahan ang sarili mo dahil marami ng taong puwedeng manakit sa ‘yo at sa mga anak at sa buong pamilya,” she explained.
Apart from being able to share some input for the show, Juday said she also handpicked her newest leading man Sam Milby. “Nung prinesent sa amin yung story, tinanong nila ako kung sino ba yung naiisip ko sa character ni Eros. Ang una ko talagang naisip si Sam. Why? Kasi may mga napapanuod akong trabaho niya na meron siyang talent talaga sa acting eh. Meron pang ilalalim. Kailangan lang ng magandang project and maganda din naman talaga ang mukha ni Sam. Swak dun sa storya na nahulog ka ng ganun ganun na lang. Yung perpekto at mala-Adonis pero meron siyang dark side and parang feeling ko this is the right time for Sam to show the viewers na he can act. Kaya niya. Hindi lang siya nabibigyan ng tamang project para ipakita yung iba niyang side pagdating sa pag-arte. Kaya pinaglaban namin na siya dapat ang gumanap sa papel na ito at walang iba,” she explained.
Although she speaks English and Filipino fluently, Juday said it was challenging doing scenes with Sam. “Nahasa ng bongga yung English ko dito (laughs). Kumpara sa mga nakaraang soaps na ginawa. Parang iba yung dating kasi, hindi ko ma-explain eh. With Sam kasi eh, nakaka-bilib yung tao in fairness naman sa kanya kasi nakikita mo kung gaano siya talaga magpursigi mag-Tagalog. Kahit hirap na hirap siya. Alam mong gusto niya itawid sa mga tao na tratrabahuin niya na maka-arte ng maayos at the same time makapag-Tagalog. Mahirap yun ah. May mga moments na mag-ta-tagalog siya, kami na nga nagsasabi sa kanya na kung nahihirapan siya, Inglisin niya na lang. Ayaw niya talaga. Matigas din ang ulo ng bata. talagang nagta-Tagalog siya. Meron siyang gustong patunayan na nakakatuwa, nakakabilib. Parang sinasabi niya na ipu-prove ko sa inyo yung pagpili niyo sa akin. Gusto niya patunayan na carry niya na napangatawanan niya na magta-Tagalog siya. Minsan tinatanong ko siya kung Inglisero ka ba talaga o Bisaya? Kasi minsan naguguluhan ako sa kanya (laughs),” she said.
For more Kapamilya updates, log on daily to Push.com.ph and follow Push_Mina on Twitter.