• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Julia Barretto react to being compared to their more famous family

Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Julia Barretto react to being compared to their more famous family

Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Julia Barretto speak up about having famous relatives.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/12/2013 9:43 AM
Diego Loyzaga, Kiko Estrada, and Julia Barretto react to being compared to their more famous family


071213-julia_main.jpgMga bagong henerasyon ng artista ang inihahandog ni kapamilya network sa pinakabagong programang aabangan sa Primetime Bida, ang Mira Bella na pagbibidahan nina Kiko Estrada na anak nina Cheska Diaz at Gary Estrada; si Diego Loyzaga na anak ni Teresa Loyzaga at Cesar Montano; at ni Julia Barretto na anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Humarap sa press ang tatlong bida at dito, una nang napag-usapan ang hindi maiiwasang pagkumpara sa kanila sa kanilang mga magulang.

Para kay Diego, alam na niya hindi niya na ito maiiwasan. Aniya, “Siyempre po, I mean I think we can speak on all of our behalf na yun nga po, siyempre naco-compare kami at mahirap nga po kasi may image na dapat tapatan or even lagpasan na nandun na, na expected na yun sa iyo araw-araw na maggawa mo yun.

Aminado din si Julia na pressured siya lalo pa at ang kanyang mga tita na sina Claudine Barretto at Gretchen Barretto ay magagaling sa pag-arte. “May pressure nga actually… Mataas nga yung expectation from us because our family is also from the business. Magaling naman po silang lahat and we cannot deny that. Ako naco-compare po ako sa mga titas ko e pero inspiration na yun to do better for us.”

Ang paniniwala naman ni Kiko, wala naman daw problema sa kanya kung ikumpara siya sa kanyang ama, sa kanyang uncle na si Joko Diaz o sa kanyang mga lolo na sina George Estregan at Paquito Diaz at sa great uncle Joseph Estrada ngunit ayon sa kanya, “Ako naman sabi sa akin ni Manong Joko na okay ma-compare pero huwag ko silang gagayahin kasi naniniwala ako na isa-isa sa amin unique kaming lahat at may specific kaming atake sa pag-arte namin and we have to make it on our own. So sa akin, I’m sure thankful kami sa mga lineage namin, sa mga acting namin, sina Lolo Paquito, sina Lolo Erap, we are all thankful for that but I don’t want to be like them, I want to be myself. I guess each of us want to be ourselves.”

Nagsalita na rin si Julia sa pangungumpara sa kanilang dalawa ni Kathryn Bernardo. Naunang ng nagsalita si Kathryn dito at bukas naman siyang hindi siya kumportable na kinukumpara siya sa kapwa Star Magic talent. Kahit si Julia ay sang-ayon dito. “Wala naman po gustong mai-compare sa ibang artista. We all respect each other naman po and our work.” Dagdag pa ng dalaga, “Kathryn and I we are very different naman po and she is a very good actress and very beautiful. Yun po yung focus naming dalawa, she has her own show and I am going to be working on my own show as well so yun talaga ang focus namin. It is really part of show business naman di ba to be compared as long as you don’t let it get sa head mo. Focus lang sa work, we are both focused lang naman sa work and I’m sure naka-focus naman po sa kanya.”