Julia Montes says she is closer to Enchong Dee now

Since they were able to resolve their issues, Julia Montes confirms that she and Enchong Dee are closer now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/11/2013 9:31 AM
Julia Montes says she is closer to Enchong Dee now


071113-julia_main.jpgNaging matagumpay ang unang labas ng Muling Buksan ang Puso sa Primetime Bida na pinagbibidahan nina Enchong Dee, Enrique Gil at Julia Montes. Nag-trending pa ang kanilang programa sa Twitter noong pilot episode nito. Hindi pa man sila lumalabas at wala pa mang maiinit na eksena sa kanilang tatlo, muli pa ring binubuhay ang naging personal na ugnayan ni Enching kay Julia. Isa na nga rito ay ang pagpapadala diumano ni Enchong ng bulaklak sa isang endorsement pictorial ng aktres. Nang naitanong siya tungkol dito, hindi ito diretsong sinagot ng dalaga. Aniya, “Bakit sa akin nagtatanong? Hahaha! Siya na lang ang tanungin niyo. Okay naman hindi naman siya nagbago, huwag ako yung tanunging siyempre pangit naman kung girl yung tatanungin, yung guy na lang.”

At dahil sa tila panunuyong ito ni Enchong sa kanya, natanong ang dalaga sa estado ng kanyang puso sa kasalukuyan. “Kung ang puso ko ang tatanungin sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa career ko, sa lahat lahat ng aspect. I’m happy. I’m very happy.” Sinagot din ng dalaga kung sa ngayon ay bukas ba ang kanyang puso o pinili niya itong isara muna sa pag-ibig. “Still unknown. Still searching for the key of my heart.” At sa tanong na handa ba siyang muling buksan ang kanyang puso sa dating inuugnay sa kanya na si Enchong, “May ganun? Siyempre sabi ko nga lahat ng blessings na natatanggap ko parang focus muna sa work. Happy…”

Parehong sinasabi nina Enchong at Julia na naialis na ng dalawa ang kung anumang ilangan ang meron sila dahil sa personal nilang pinagdaanan at muli nitong nilinaw ni Julia. Ayon sa aktres, “Wala na yung wall, yung wall kung anuman yung nangyari sa amin nun. Ngayon, wala na. we’re working together as if wala nang issue, walang alinlangan.” Sa katunayan, base sa ilang mga panayam kay Enchong, sinasabi nito na mas naging malapit sila ngayon at mas madalas na magkasama ng dalaga kumpara sa kanila noon. “Kasi sabi nga sa amin kung noon nagkaroon ng ilangan, ngayon mas okay kasi mas nare-rebuild namin yung friendship, yung pagiging magkaibigan namin, ang strong yung foundation ng friendship namin. Masasabi namin na bini-build namin as strong foundation talaga unlike noon na medyo may ilangan.”