• Home
  • Fresh Scoops
  • Raquel Pempengco's open letter about changes in Charice's life

Raquel Pempengco's open letter about changes in Charice's life

Charice's mom wishes she can go back in time, before fame and fortune touched her daughter's life.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/9/2013 10:03 PM
Raquel Pempengco's open letter about changes in Charice's life


061013-raquel_main.jpgSa lahat ng pangyayari at pagbabago sa kanyang anak na si Charice, ibinahagi ni Raquel Pempengco, ang ina ni Charice ang kaniyang damdamin sa isang open letter na binasa nila sa media at press. Ang unang nakasaad sa kanyang sulat ay ang paghingi niya ng pasensiya sa mga taong hinihintay siyang magsalita tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang pamilya. “Marami-rami po sa inyo ang masama ang loob sa akin dahil nananahimik ako ng matagal na panahon. May mga ilang beses rin na nakapagsdesisyon ako na magsalita na ngunit binabawi ko rin naman. Pasensya na po. Nahihirapan po ako sa aking kalagayan… Maraming beses na ginusto kong magsalita kasi parang sasabog na ang dibdib ko sa emosyon. Pero marami na ring beses na iyon ang  pinili ko ang maging isang ina at palipasin ang init ng aking emosyon upang protektahan ang aking mga anak.

Ibinhagi muli ni Mommy Raquel ang kanilang mga naranasang hirap noon bago naabot ni Charice ang kanyang mga pangarap at ang hindi niya pagsuko nung mga panahong iyon. Ngunit sa nararanasan ngayon ng kanyang pamilya, hindi niya inakalang ganito ang kapalit ng kanilang pag-ahon sa hirap.  “Nang naabot po ni Charice ang narating niyang tagumpay, akala po namin magiging maayos ang lahat. Nabili namin ang mga gusto namin, nawala ang takot kung saan kami kakain o matutulog. Akala ko yun na ang simula ng mas magandang buhay sa amin. Pero lately po naisip ko baka mas magandang bumalik na lang kami sa dati, noong mga araw na naghihirap kami. Dun sa mga araw na umiyak kami madalas at naglalakbay ng madalas na magkasama. At least po noon, malinaw na malinaw po sa akin ang sino, kung sino ang tunay na nagmamahal sa amin.” 

Dagdag pa niya, “At least po noon, magkakasama pa kaming tatlo sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Isang pangarap nga po na narating ang sumikat at yumaman, pero ngayon ko po naitatanong sa sarili ko, na karapat-dapat na kapalit ng sikat at yaman ang samahan ng mga itinuturing mga tunay kaibigan mula sa simula. Sapat na ba ang sikat at yaman upang mapunan ang pagkawala ng isang buong pamilya? Sa totoo lang po hindi ko po alam kung saan tumutuloy ang anak ko. Nalaman ko na lang nang maglabasan ang mga articles noon sa kanya. Siyempre po sa mga ibang mga pagsasabi ng mga kaibigan na malapit sa kanya doon. Dumaan po ang birthday niya pero hindi po namin siya nakita. Birthday po iyon at ako ag kanyang ina, ako po ang nagluwal sa kanya sa mundong ito. At sa tingin ko po, natural lang naman na gusto kong makibahagi sa mga espesyal na okasyon ng buhay niya. Kahit yung birthday na lang po, pero hindi po ako naging bahagi noon.

Ngunit sa kalauna’y mahirap man tanggapin, bilang isang ina pipiliin na lamang ni Mommy Raquel na maging matibay sa mga pagsubok. “Maraming nagbabago na mahirap tanggapin pero pinipli po namin na magpakatatag, sulitin po ang buhay na ibinigay sa amin. Kung tunay po tayong nagmamahal, nalalaman natin kung kelan dapat tumahimik at dapat magsalita; kung kelan dapat tumanggap at magparaya; at kung kelan dapat magsakripisyo, kung kelangan na yakapin namin ang pananaw na hindi sa amin, tunay na magiging maligaya si Charice, gagawin namin. Napakasakit man noon sa amin.” 

Nagpapasalamat din ang ina ni Charice sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanila. “Maraming salamat po sa nakikinig sa aming mga saloobin ano man po ang masasabi o maiisip ng mga tao pagkatapos nito, ipapagsa-Diyos ko na lang po. Pipilitin po namin na magpatuloy ang aming buhay hindi man kami susuko sa pag-asang maayos ang lahat. Pipilitin po namin na hindi sayangin ang buhay naming magkasama ni Carl. Sa ganito pong sitwasyon napakadali pong mang-husga kung sino ang tama o sino ang mali, kung sino ang may sala at sino ang dapat parusahan.