• Home
  • Fresh Scoops
  • Raquel Pempengco reveals Charice only emailed her about being a lesbian

Raquel Pempengco reveals Charice only emailed her about being a lesbian

Raquel also discloses Charice's former relationship with manager Courtney Blooding.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/9/2013 10:05 PM
Raquel Pempengco reveals Charice only emailed her about being a lesbian


061013-raquel-charice_main.jpgInamin ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco na nahihirapan siya sa pinagdadaanan niya at ng kanyang anak, sa pag amin nito ng kanyang sekswalidad sa buong mundo. “Nahihirapan po ako sa aking kalagayan. Kahit po ngayon hati po ako sa pagiging tao at pagiging ina. Maraming beses na ginusto ko magsalita parang sasabog na ang dibdib ko sa emosyon.” 

Ni-reveal din ni Mommy Raquel na naging tomboy din siya noon kabataan niya ngunit sinunod niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang at nagpakasal sa tatay ni Charice. “Hindi nanligaw. Ako yung tomboy. Pero sinunod ko yung nanay ko. Sinabi ko naman yun kay Charice. Sabi ko na-experience ko na din yan pero nagbago ako. Pakiramdam naman yan eh, pwede mo baguhin kung gugustuhin mo lang.” 

Maaga pa lang ay kinompronta na daw niya si Charice tungkol sa sekswalidad nito ngunit noon ay tinago ni Charice ang katotohanan sa kanya. “Tinanong ko na kasi may nakikita na ko sa mga public ... ano. Hindi totoo yan sabi ko, di ko naman nakikitaan yan sana noon pa nakita ko na. Minsan nga nasakatan ko pa yan. Oo kasi nung time na nakita ko yung laptop niya naka-open, sabi ko, ‘Charice tomboy ka ba?’ ‘Di po, sino nanaman nagsabi, naniniwala na naman kayo kani-kanino. Ba’t dun kayo maniniwala?’ Ayun sumagot siya ng ganun. ‘Wag mo ko sasagutin ng ganyan nagtatanong lang ako.’ Nasabunutan ko siya noon. Siguro kung ano na lang mahila ko noon. Nasa LA kami noon. Di ko kasi akalain na sasagutin ako ng ganun ng anak ko.” 

Eventually din daw ay umamin si Charice sa kanya na lesbian siya nung maging ka-relasyon nito si Courtney Blooding, ang dati niyang manager sa US. “Umamin na ano siya... kay Courtney.” Nineteen or 20 years old lamang daw si Charice ng mga panahon na yun. At ang masakit pa ay sa email lang siya sinabihan ng anak tungkol dito. “Twenty. Nineteen. Ganyan. Nung natuklasan ko ng kusa, ayun doon siya umamin. Ang katwiran niya teka may pinagmamalaki na ko ngayon eh bakit ba? Ikaw, papaalam ko lang sa yo, nakikita niyo naman sa Facebook, na online, eto ako eh, kami na ni Courtney eh. Hindi yung sasabihin niya na ‘Mommy ganito...’ Nagemail siya sa kin na natatakot daw siya na sabihin sa akin ng harapan kaya sa email niya sinasabi na eto ako, kami na ni Courtney. Sabi niya tanggapin niyo na lang kasi, wala na, eto na talaga ako.

Sinabi naman ni Mommy Raquel na tanggap niya ang anak pero gusto niya na ilihim muna nila ang pagiging tomboy nito dahil na din sa umuusbong na career nito. “Nung aktong sinabi niya sa kin yun, parang anak, ano muna, itago mo muna. ‘Wag mo munang sasabihin sa iba kasi may iniingatan kang career.” 

Isa pa sa kinasasama ng loob ng ina ni Charice ay ang pagbabago ng ugali nito simula nang umamin sa kanyang pagiging lesbian. “Ok naman sanang maging ganyan siya, maging lesbian pero sana yung paguugali niya, yung kinalakihan niyang pagmamahal sa pamilya niya, sana yun ang di niya tinanggal.” Kung dati daw sila ang magkakampi, nasasaktan si Mommy Raquel na si Charice pa ang kaaway niya ngayon. “Dati kami ang nagtatanggol sa isa’t isa, dati kami ang magkasama sa  ganitong mga tanungan, ngayon akong mag-isa ang kaharap ko, anak ko.” 

Nakadagdag din daw sa kanyang hinanakit ang pagdidiin ni Charice sa pasasalamat sa kanyang new-found family sa Cabuyao, Laguna. “Isa lang naman ang sinasabi ko. I-priority pa din niya ang pamilya niya kahit na gusto niyang gawin yung kasiyahang sinasabi niya. Kasi masakit sa amin yung sasabihin mo na, nakakita na ko ng ikalawang pamilya. Na sa loob ng isang buwan masasabi ko na kulang ang pasasalamat sa loob ng isang buwan para pasalamatan ang mga tao nay an. Parang sinabi niya na rin na meron na akong pangalawang pamilya, tinakwil ko na yung una. ”

At sa huli ay paalala din ng ina kay Charice ay ang kanyang pagkadismaya sa pakikipagrelasyon niya kay Alyssa Quijano. “Kalimutan na niya akong ina, pero di ko matatanggap si Alyssa.”