Diether Ocampo denies rift with John Lloyd, Angelica

The actor says there is nothing to fix between him, John Lloyd and Angelica.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/7/2013 3:31 PM
Diether Ocampo denies rift with John Lloyd, Angelica


060713-diether_main.jpgItinanggi ng aktor na si Diether Ocampo ang di umano ay panunugod sa kanya ni John Lloyd Cruz sa set ng "Apoy Sa Dagat."

Sinasabing nagalit di umano si John Lloyd nang magsumbong ang nobya nitong si Angelica Panganiban na nasaktan siya ng madala sa isang eksena si Diether para sa serye.

Nitong Huwebes, sa muling pagpirma ni Diether sa ABS-CBN, sinabi nitong walang ganoong pangyayari.

"Whatever is happening on the set, parte 'yan ng proseso para masiguro namin na maganda ang maipalabas namin. Whether it's difficult or madali, lahat 'yan kasama. Kung ano man ang naglabasan na hindi maganda, I can assure you that nothing like that really happened," ani Diether.

Dagdag niya: "We don't want to give a mediocre performance for the audience. We owe it to the audience kaya nga kami nagta-trabaho."

Giit ni Diether, walang dapat ayusin sa pagitan nila ni Angelica at John Lloyd.

"Wala namang ire-reconcile to begin with. I believe lahat kami dito ay nagtatrabaho ng maayos and we deliver kung ano ang hinihingi sa amin. At the end of the day, we still look at each and smile at each other. 'Yun ang importante. Nothing personal, trabaho lang," aiya.

Ayon pa kay Diether, tinuturing niyang kaibigan si Angelica.

"I can consider Angelica as one of my best friends in showbiz. Hindi lahat tinatawag ko ng 'bes.' Kapag ganoon, mabigat 'yon. Si Angelica naggo-grow din ang tao, madami din siyang pinagdadaanan sa personal na buhay niya. I just want her to know that we are all here. I'm one of those many friends of yours who are willing to support you no matter what." 

Sa panayam, sinagot din ni Diether ang isyung lagi siyang late sa taping ng serye.

"Not in the position to answer that. Parang kumbaga, if there are people who can really testify and say, eh dapat sa kanila manggaling 'yon. I can always say na 'no, I'm not' hindi ba? Pero maniniwala ka ba?"

Matatandaang una nang ipinahayag ni Angelica na walang pangyayaring suguran sa pagitan ni John Lloyd Cruz at Diether.