Anne Curtis defends boyfriend Erwan Heussaff

Anne Curtis says boyfriend Erwan Heussaff has the right to express his opinion on his own Twitter account.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/5/2013 9:17 AM
Anne Curtis defends boyfriend Erwan Heussaff


060513-anne_main.jpgNakuhanan ng pahayag si Anne Curtis tungkol sa naging post ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff sa Twitter account nito. Ipinagtanggol ni Erwan ang naging Twitter post din ng kaibigang si Georgina Wilson tungkol sa kanilang pagkadismaya sa pagkapanalo ni Erap Estrada bilang alkalde ng Maynila. Ang pagtatanggol ni Anne sa karelasyon, “Well he’s that kind of guy, very outspoken because I guess hindi naman siya laking showbiz e, hindi naman siyang laki dito. He has a whole different world where you are allowed to speak your mind, you are allowed to say whatever you want. And even if I talk to him and say you have to be a little bit careful kasi somehow you are linked to me and whatever… But I also understand that it’s his right, that’s his account and who am I to say anything about it? So its his opinion and you know the people who follow him get him and if they don’t just unfollow na lang.”

Dagdag pa ni Anne, “Now that he is part of that life he also has to learn, di ba, in whatever that will come in his life that’s connected to me [and that] he’ll learn something also from it.”

Kwento ni Anne nakikinig naman si Erwan sa kanya kapag sinasabi nitong mag-ingat siya sa ilan sa kanyang mga gagawin. Ngunit sinabi din ni Anne na may sarili din namang kakayahan sa pagdedesisyon si Erwan at pinagkakatiwalaan niya ito. “Nakikinig naman yun but at the same time I also have to respect siyempre lalaki pa rin yan may sariling ano yan e and also yung where he is in his life and his career is totally different from our world.”

Napag-usapan din ang pagiging avid fan ng kanyang inang si Carmen kay Daniel Padilla. Ang pagbabahagi ni Anne nang manood sila ng concert ni Daniel, “Love na love niya kasi si Daniel Padilla as in naiinis siya na yung cameraman na saktong pagdating niya…” Kwento ni Anne na nung kukuhanan na ng kanyang ina ng litrato si Daniel sa kanyang concert, naharangan siya ng cameraman hanggang sa nakaalis ito. Maging si Anne ay gumagawa ng paraan sa pagiging fan girl ng kanyang ina kay DJ. “Triny ko na nga kay Tita Karla (Estrada) nung nandito si Daniel sa Showtime. bagong opera (ang ina ni Anne) so hindi pa pwedeng in public places pa. So bago siya umalis magawan natin ng paraan na makapagpapicture.

Ang ibig sabihin ni Anne ay nagdaan sa knee-joint replacement surgery ang kanyang ina at ngayon ay nasa pangangapalaga ni Anne dito sa Pilipinas. Babalik din sa Australia kapag magaling na ang ina at ibinihagi ni Anne na araw-araw pa rin ang therapy ng kanyang ina.

Ibinhagi din ni Anne ang kanyang nararamdaman ngayong kasama niya ang kanyang ina dito sa Pilipinas. “Dito muna siya, sa akin siya nagstastay everyday. Ang sarap ng may nanay sa bahay, nakakaloka. May nagmamando sa bahay yung ganun kasi ako, wala lang, okay! Tapos siya yung, ‘Ang dumi nito, ang dumi nito.’ Di ba nag-tweet nga yan. Sabi ko nga, ‘Uy, Ma!’ kasi parang nag-tweet yan na crush na crush ko si Gino Padilla. Sabi ko ‘Ma, sino si Gino Padilla?’ Si ano, kasi ni-link niya yung pangalan eksatong Gino Padilla was in Showtime sabi ko, pero ang nakalagay ‘Ang cute ni Gino Padilla dito sa Princess and I.