• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual says he is loveless while Angelica Panganiban reveals she is happy with her love life

Piolo Pascual says he is loveless while Angelica Panganiban reveals she is happy with her love life

The stars of Apoy Sa Dagat share how their friendship is and how it's like working with each other.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/30/2013 10:40 PM
Piolo Pascual says he is loveless while Angelica Panganiban reveals she is happy with her love life


070113-pioloangel_main.jpgInumpisahan ni Boy Abunda sa The Buzz agad ang maiinit na tanong para sa mga bida ng Apoy Sa Dagat na sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban. 

Sa pagiging successful ng pelikula ni Piolo na OTJ sa Cannes Film Festival, marami ang ugong-ugong na iiwan na niya ang kanyang karera sa Pilipinas para sa pag-arte sa US. “If given the chance, Tito Boy, why not? Pero hindi naman siguro for life or forever kang aalis. Kunwari there’s a chance to do something outside , dun lang sa tenure lang na yun tapos balik ka ulit,” paliwanag ni Piolo, subalit sa ngayon daw ay wala pa namang mga offers. 

Si Angelica naman, if given the same situation ay mas preferred daw niyang magtrabaho sa Pilipinas. “Siguro po wala sa personality ko yun. ‘Di ko po siguro kaya tumira abroad ng ganun katagal. Andito naman po kasi yung buhay ko talaga.” 

Sa ilan pang intriga naitanong na din ni Boy sa dalawa kung saan sila humuhugot ng lakas. Dito nailahad na din ni Angelica ang matibay na samahan nila ng kanyang leading man. “Siguro kasi Tito Boy kapag may intriga na mga ganun, yung may pinagdadaanan ka, matagal naman na kong artista na natuto ako kung paano iwan sa bahay yung problema, yung pinagdadaanan ko. Pero siyempre yung mga oras na talagang mahirap, ako swerte habang ginagawa ko yung show, andyan si Papa P, who is talagang naging kaibigan ko, nagkaroon kami ng friendship, nagkaroon kami ng magandang samahan, so nakwe-kwento ko sa kanya lahat, sobrang kumportable sa kanya na napaglalabasan ko siya ng sama ng loob ko, naiiyakan ko siya. Malaking bagay po yun na sa trabaho meron akong outlet.” 

Sumangayon naman si Piolo sa mga sinabi ni Angelica. “You have to be comfortable, Kelangan pareho kayo ng wavelength, kelangan may mutual trust, mutual respect sa isa’t isa para masabi natin na open ka. To open up. Malaking factor din sa buhay ko yung faith. Si Lord. Kasi kung wala kang pananampalataya bibigay at bibigay ka.”            

 Sa issue naman ng kanilang mga love life, naging kontrobersyal kasi kamakailan si Angelica dahil sa pagpopost niya ng kissing photo nila ng boyfriend na si John Lloyd sa birthday party nito. Inilahad naman ni Angelica ang kwento sa likod nito. “Kasi gusto niya magkaroon ng oarty na makakarelate lahat. Mga pamangkin niya hanggang sa mga parents niya. So wala rin naman kaming time umalis ng bansa so sabi ko bakit di na lang tayo kumuha ng isang venue tapos meron tayong mga slides, mga game para sa mga bata, meron tayong mga banda, meron tayong kakanta para sa mga parents mo so nagawa naming siya in one night. Sabi niya naman oo gusto ko yan so sabi ko o yan na yung gift ko sa yo. Inasikaso ko siya, pinaglaban ko kung paano yung schedule (laughs).” 

Si Piolo naman ay wala pa rin bagong nag-mamay-ari ng kanyang puso pero pinupunuan naman daw ito ng pagmamahal ng kanyang anak na si Inigo. “No, wala ganun pa din eh. Mailap eh. Yung anak ko kasama ko siya everyday, so I’m really inspired to … masaya ako kasama ko siya kasi ito lang yung time naming together. Pag summer sa States, para ko siyang anino. Kung asan ako, andun din siya, nagkakahiwalay kami pag asa banyo kami pero I’m excited spending time with him kasi iba yung bonding time. I really treasure that, I really value that.” 

Samantala, nagshu-shooting na daw ng last scenes nila para sa Apoy Sa Dagat si Piolo at Angelica na dapat abangan ngayong nasa huling linggo na ang teleserye. Marami daw natutunan sina Angelica at Piolo sa show at isa na dito ang gagawin ng isang tao ang lahat para lang sa kanyang minamahal. “Para siyang isang napakagandang kwento ng pag-ibig, yung kahit na anong manyari, pwede mo pala gawin ang kahit na ano, masama o mabuti, di mo kinikwestyon, basta para sa taong mahal mo. Kahit ano pwede mong gawin regardless kung…di ko naman kinakampanya o sinasabi na makapatay ka or gumawa ka talaga ng masama pero pag andun ka na sa sitwasyon na yun, talagang ganun pala ang pag-ibig. Wala ka pwede husgahan, sa anong ginagawa mo or ginagawa sa yo pag nagmahal ka,”  paliwanag ni Angelica. 

Malaking point yun, di ko iaapila yun, bilang Ruben ganun siya eh yung pagmamahal niya kay Serena. Actually sinasabi nga sa amin ni Direk (FM Reyes) na ang tanga-tanga ko raw bilang Ruben kasi simpleng tao lang naman siya eh pero sa pagmamahal kasi yun lang ang iisipin mo eh, ‘pag nagmahal ka gagawin mo lahat,” dagdag naman ni Piolo. 

Nagpasalamat din ang dalawa sa mga tumangkilik ng kanilang palabas sa loob ng 5 buwan.