Kim Chiu's siblings come to her defense

Lakam and JP defend their sister Kim regarding issues she hasn't done her duties as a daughter when their mother got sick and passed away.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/30/2013 10:49 PM
Kim Chiu's siblings come to her defense


070113-kim_main.jpgMaraming paratang at alegasyon ang lumutang laban sa aktres na si Kim Chiu mula sa iba’t ibang social networking sites at showbiz websites tungkol sa pagkamatay ng kanyang inang si Louella, na hinatid na sa kanyang huling hantungan noong Sabado. Di napigilan ni Kim na maglabas ng hinaing sa sarili niyang Twitter at Instagram accounts na nagsasabing sana’y wag namang magimbento ng kwento ang iba dahil ‘di nila alam ang totoong storya  ng kanilang pamilya at respetuhin naman sila sa panahon ng pagluluksa. 

Sa ekslusibong panayam at report ng The Buzz nitong Linggo, inilahad kung ano nga ba ang pinangagalingan ng mga isyung ito. Bata pa lamang si Kim nang maghiwalay ang ina niya at tatay na si William Chiu Jr. Nine years old si Kim nang tumira sila sa kanyang lola sa father side na si Francisca at doon na lumaki at naging dalaga.  Ayon kay Lakam Chiu, na nakausap ng The Buzz sa burol ng kanilang ina, nanay na nilang itinuring ang kanilang Lola Francisca. “Siyempre naghiwalay na sila, ang tagal na, lola na ang nagpalaki sa amin, so basically ang nanay na naming yung lola namin. Ayaw na din ng mommy naming na guluhin kami. Mahigpit kasi yung family na Chinese, alam mo naman yung Chinese traditional na family.” 

Dahil matagal na nawalay sa kanilang ina, nagulat sila sa kalagayan nito nang makita na nila ito sa ospital. “Pagdating talaga naming parang, oh my God, parang mixed emotions talaga. Talagang totally blank. As in di mo mapigilan, Ma, bakit tayo nagkaganito? Ngayon na nga lang tayo nagkita, dito pa? Si Kim siya talaga yung close ng mama namin. Favorite siya oo, kasi siya yung bunsong babae eh. Ngayon, ayun umiyak talaga.”

Pinatotohanan din ni Lakam na si Kim ay gumanap sa kanyang tungkulin bilang anak habang nakaratay ang kanilang ina sa ospital. “Nung Monday what happened, kinabukasan first flight out na naman kasi may taping siya nun, the next day. After taping ginagawa niya, pag-pack up diretso agad, balik dito sa Cebu so to let everyone know na lang, ginagampanan pa din  ni Kim ang pagiging anak niya sa mommy namin. Di naman siya nagkulang sa time, or nagkulang dahil may ibang priorities, di naman po. Ginagawa niya yung work niya as an artist, pagaartista, ginagampanan din niya yung bilang isang anak din.”

Sa pagbabantay sa ospital si Kim daw ang pinaka-makwento sa ina dahil sinabi daw ng mga doctor sa kanilang pamilya na kahit comatose ang kanilang ina ay nakakarinig ito. Sinasabi nila sa kanilang ina na andun silang magkakapatid at buo silang naghihintay sa kanyang pag galing. Humingi din daw sila ng tawad sa mga panahong naging magkalayo sila. “Kaming lahat. Kung anong pagkukulang namin bilang anak, nagsorry naman kami. Oo nasabi namin ang gusto naming masabi,” paliwanag ni Lakam. 

Kaya sa pagkalat ng mga intriga tungkol kay Kim bilang isang anak dumepensa sa kanya ang kanyang kapatid. “Regarding sa mga bashers, siyempre di naman lahat kaya naming ma-please ang mga tao di ba? Kaya gusto ko sabihin, just to let everyone know na si Kim na artista, nasasaktan at umiiyak bilang ordinaryong tao. Konting respeto. Eto nga nagluluksa nga kami dahil sa nanay namin tapos jinujudge pa siya ng ibang tao. Di naman tayo perpektong tao. Tama na yung panghuhusga. Sino naman sila para maghusga ng ganyan? Masakit eh

Dagdag pa ng kapatid ni Kim na si JP, nababasa nila ang mga comments kay Kim online at naapektuhan talaga ang kanilang pamilya. “Binabasa ko yung comments, di niyo lang alam tinulungan, ginawa lahat ni Kim para mabuhay si Mama pero wala tayong magawa. Huwag na lang natin intindihin kasi alam naman natin ang totoo. Message ko kay Ate Kimmy, be strong, kaya natin to.  Malalagpasan din natin to.”

Sa huli ay nangako naman ang magkakapatid sa kanilang yumaong ina na sila’y magkakaisa at magtutulungan palagi. Pati ang kanilang amang si William ay nangakong di pababayaang si Kim at kanyang mga kapatid.