• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola says she wants JM De Guzman to get back on his feet

Jessy Mendiola says she wants JM De Guzman to get back on his feet

The actress reveals the problem about her former relationship with JM De Guzman and how her romance with Matteo Guidicelli was nipped in the bud.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/30/2013 10:44 PM
Jessy Mendiola says she wants JM De Guzman to get back on his feet


070113-jessy_main.jpgSa isang exclusive na panayam ni Jessy Mendiola sa The Buzz, sinagot ng aktres isa-isa ang mga isyung kinasasangkutan niya. Una na dito ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Inilahad ni Jessy kay Boy Abunda na 3 years old siya nung unang umuwi sa Pilipinas galing Dubai. Ang kanyang amang British-Lebanese ay huli niyang nakita noong siya ay 6 years old. Nangako daw itong maglalagi na sa bansa for good pero after a few weeks ay iniwan na sila nito ng tuluyan. “May galit ako na, ang hirap ng walang tatay. Pero tatanggapin ko pa din siya ng buong buo pag bumalik siya,” naiiyak na sabi ni Jessy. 

Sa kanyang buhay pag-ibig naman, sinabi ng young star na una siyang na-inlove 3 years ago at very memorable ang kanyang first love. “It was very memorable. Maraming bagay na nangyari. First time ko ma-in love, first time kong masaktan, first time kong sobrang saya sa isang tao. Sobrang madaming memories ang bumabalik kapag naalala ko siya.” 

Ang tinutukoy ni Jessy ay ang aktor na si JM De Guzman na noon pa’y nalilink na sa kanya ngunit di nila inamin ang kanilang relasyon sa publiko. “Hindi pa kasi kami OK ng mom ko nun. At first (ayaw ng mom ko) but there was a time na OK na sila. JM is a very sweet and passionate person.” Nag-umpisa lamang daw sila ni JM bilang magkaibigan at bigla na lamang daw itong nanligaw sa kanya. “Nung kami, wala kaming pakialam. We’d just walk somewhere, holding hands because we didn’t really expect or di namin alam na papansinin kami kasi parang kasisimula lang naming sa showbiz tapos magsasabi na kami, di rin naman kelangan malaman ng mga tao. Nagkataon lang nag-profess siya on TV.”

Sa pag-amin ni JM sa kanyang nararamdaman sa ilang interview, nagulat si Jessy dahil noong panahong iyon ay break na sila. “Ako honestly nun time na yun nagulat ako. And as much as I wanted to say na wala na kami nun, I can’t. Siguro nasabi niya yun kasi he really wants to fix things. Ako kasi tinanggap ko na lang na sabihin ng ibang tao na ‘ano ba yan dinedeny mo yung tao.’ Na sinasabi ng ibang tao na kinakahiya ko daw siya,” madamdaming sagot ni Jessy. “Why would I go out, why would I go to the mall and hold hands with him kung kinahihiya ko siya?” 

Natuwa man si Jessy sa pag-amin na ito ni JM, sa kanyang sacrifice pero di na daw niya kaya pang balikan ang kanilang relasyon. “Hindi ko na po kaya magkaroon ng relasyon na marami pong tutol. Nakikita kasi nila anong nangyayari sa akin, napapabayaan ko ang sarili ko, napapabayaan ko yung trabaho ko. Yung pamilya ko. May mga time na hindi na nila ako nakikita. Hindi ko lang din po kaya na nakikita nila ako nasasaktan din. Nakikita nila minsan wala na ko sa sarili ko.” 

Sa mga sumisisi kay Jessy sa pagkakawala ni JM sa limelight, idiniin ng aktres na sinubukan niyang tulungan si JM sa kanyang mga pinagdaraanan. “Masakit po kasi habang kami naman po sinubukan ko naman po siyang alagaan, kaya nga po nagagalit sa akin ang pamilya ko kasi sa kanya lahat nababaling ang atensyon ko. Minahal ko po talaga si JM, lahat-lahat po binigay ko sa kanya kaya pagsinasabi nilang ako ang may kasalanan kung bakit nasira siya, kung bakit nagpabaya siya, nasasaktan po ako kasi sinubukan ko naman po lahat para matulungan siya. I really tried my best. Hindi niya matulungan yung sarili niya eh. Kelangan niya tulungan yung sarili niya bago siya matulungan ng iba,” giit ni Jessy. 

Sa isyung relasyon naman nila ng Paraiso co-star niyang si Matteo Guidicelli, sinabi ni Jessy na hindi naman daw sila talaga close ni Matteo. “We are not as close as before. Siguro in weeks di kami naguusap, kasi di naman kami close, sa dulo po nagbago lahat. Biglang … naalala mo yun Tito Boy? Yung interview namin? Nagulat ako sa sagot niya.” Tinutukoy ni Jessy ang kanilang interview ni Matteo sa The Buzz noon, kung saan sinabi ng aktor na ispesyal para sa kanya ang aktres. “Meron mga pahapyaw. Naisip ko baka pakilig-kilig lang to. Crush lang. Tapos Holy Week. Cebu. Di kami naguusap na magkikita kami sa Cebu. Tapos ayun na he introduced me to his family, kasama niya yung buong family. Pinakilala niya ko sa mama niya, kay Nono, sa mga pinsan niya, sa mga tito niyang Italians. Nosebleed nga ako dun.”

Pero sa kabila nito, inamin ni Jessy na naudlot ang magandang pagtitinginan nilang dalawa sa isa’t isa.  “Wala talaga basta pakiramdaman lang sa isa’t isa. Di ba palagi niyang sinasabi we’ll take it slow. Sabi ko din sa kanya OK we’ll take it slow. Tapos ayun parang di niya mahandle yung dalawa. To be honest ngayon lang kami nagpapansinan. Ngayon lang din siya nagkaroon ng maraming projects also so we had to talk about things na ‘Kaya ba natin?’ So we made a mutual decision muna na focus on career.”  

Maiksi lamang ang naging mensahe ni Jessy para kay Matteo na “Ok lang” pero para kay JM, sana daw ay manumbalik ang sigla nito sa kanyang karera. “Sana bumangon siya at sana maibalik yung dating napakagaling, napakahusay at napakabait na aktor,” pagtatapos ni Jessy.