• Home
  • Fresh Scoops
  • Agot Isidro and Cherie Gil are glad to be returning Kapamilyas

Agot Isidro and Cherie Gil are glad to be returning Kapamilyas

The two seasoned actresses admit the state of their love lives

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/30/2013 10:35 PM
Agot Isidro and Cherie Gil are glad to be returning Kapamilyas


070113-cherieagot_main.jpgDalawang nagbabalik Kapamilya sina Cherie Gil at Agot Isidro sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso, na magsisimula na ngayong July sa Primetime Bida. Sinabi ni Cherie na she’s glad to be back in her first home. Kaka-celebrate lang ng aktres ng kanyang ika-50 na kaarawan at masaya siya na natanggap niya ang proyektong ito at ibang nagaganap sa kanyang buhay.  “Im so excited ang dami daming nangyayari sa industriya lalo na tong 60th anniversary presentation ng ABS (CBN) to be part of this big and epic teleserye, I’m excited. It has also been a year of films, I also started moving into independent film making and I co-produced with the Film Development Fund.” 

Excited din si Agot sa kanyang role sa teleserye. “I’m very excited with this one kasi powerful yung cast. It’s my first time to work with Tita Susan (Roces) and she is such a joy, talagang ang sarap niya kasama kasi rehearsal pa lang bigayan na kami. Hindi mahirap umarte to get into the role kasi sa rehearsal binibigay na niya so talagang nadadala ka.” 

Both also have nothing but praises sa kanilang co-actors lalo na kina Enchong Dee, Enrique Gil at Julia Montes. Pawang mga professional daw ang tatlo at madaling makatrabaho. 

Tunay na malapit na magkaibigan sa totoong buhay, natatawang sinagot ni Agot at Cheri ang tanong na kung sila ba ay handa na ‘muling buksan ang kanilang mga puso?’ Para kay Agot, hinihintay pa niyang dumating ang tamang tao sa buhay niya. “’Di baleng bata, matanda basta tama,” sabi pa ng aktres. Pero umalma Si Agot nang tanungin siya kung makikipagrelasyon siya sa lalaking halos ang edad ay kalahat ng sa kanya. “Maiilang ako!” dagdag niya. 

SI Cherie naman ay parang tila may inaantay na magbukas ng kanyang puso. “At this point I guess, at matagal din akong nakapag-asawa and I suddenly found myself immersed in work parang bukas ang puso ko sa trabaho ngayon. Mahal na mahal ko ginagawa ko ngayon. Tsaka di pa ako sure baka may humahawak pa ng susi. (laughs)”