• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiza Seguerra advises Charice to keep her private life private

Aiza Seguerra advises Charice to keep her private life private

Aiza Seguerra tells Charice that she does not need to discuss her personal life in public.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/27/2013 9:47 AM
Aiza Seguerra advises Charice to keep her private life private


062713-charice_main.jpgNagsama sa unang pagkakataon si Aiza Seguerra at Charice sa stage sa concert ni Aiza kasama si Noel Cabangon. Para kay Charice, isang dream come true na maka-duet ang hinahangaang niyang si Aiza. Aniya, “Definitely, dream come true kasi I think lahat ng tao hinihintay din yung duet nay un e and kumbaga dinuet pa namin yung favorite song ko so very thankful ako. Thankful ako kay Aiza na ininvite niya ako dito.

Ibinahagi din ni Charice na malaki ang paghanga niya kay Aiza sa galing nito sa musika. “Parang lahat po tayo siyempre gustong-gusto ang kanyang nag-iisang napakagaling na weapon, ang singing. Napakalinis, napakalinis kumanta. Talagang kinkilabutan ako kanina e. First time kong nakapanood ng concert niya ng live so astig.”

Kaya naman isang concert na pagsasamahan nilang dalawa ang nais ni Charice kung sakaling bigyan sila ng pagkakataon. “That would be an epic concert kung manyayari yun so why not? Siyempre maganda yun.”

Simula nang aminin ni Charice ang kanyang tunay na pagkatao, madalas siyang ikumpara kay Aiza na unang umamin din sa kanyang tunay na pagkatao. At kahit hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataon ni Aiza na magkakilanlan ng lubusan, nais din ng international performer na dumating ang pagkakataon na magkakwentuhan sila at magkausap. “Hindi pa naman kami talaga nagkakaroon yung talagang bonding, usap-usap kasi busy siya… I think it would be cool to have a private conversation, bonding with her since isa rin siya sa mga inspirasyon ko. It would be nice to hear things and advice, everything from her so yun.”

Nagsalita din si Charice sa naging kumento ni Sarah Geronimo sa pag-amin nito sa paghanga niya sa Popstar Princess na nais niyang makatrabaho si Charice. At para kay Charice, nais rin niyang makatrabaho si Sarah. “Opo naman po kasi kahit na nagka-duet na kami noon sa ASAP. Siyempre it would be nice to have a duet with her again na iba na… idol ko si Sarah so thankful ako na happy siya. Siyempre isa siya sa mga tinitingala ko hindi lang bilang singer kung di bilang tao.”

At ang reaksiyon ni Aiza sa mga naging pahayag ni Charice, aniya, “Siyempre nakaka-touch naman, thank you, thank you! Happy ako na na sana na-enjoy niya, sana na-enjoy niya yung jam namin today kasi masaya, masaya ang I think sana hindi lang ito yung huli pa.

Maging si Aiza ay natutuwa sa naging suporta ng sambayanan sa pag-amin ni Charice ng kanyang tunay na pagkatao. “I am very happy for her and at the same time nakakatuwa din dahil nakikita ko yung support ng mga tao dun sa kanyang desisyon. Ako naniniwala naman ako na if it’s the truth, if there is no bad intention or anything, if there is love there is nothing wrong with you.”

Nagbigay din ng reaksiyon si Aiza sa sinasabi ng ilan na dahil sa ginawang pag-amin ni Charice, uma-Aiza daw ito. “I don’t think uma-Aiza siya. She is her own person, siguro anohin natin sa bokabularyo natin na kung lesbyana uma-Aiza, no. I think iba-iba tayo ng pagkatao. Lesbyana, bakla, lalaki, babae, I think we are our own person. I think she’d rather be chuma-Charice at ako uma-Aiza.”

At may nais din siyang ipaabot na mensahe kay Charice. “Ako ang message ko lang is continue lang to be yourself. Ako naman ang paniniwala ko basta wala kang tinatapakang tao intentionally kasi iba yun e. I think sa lahat naman ng desisyon natin may matatapakan at matatapakan tayo dahil hindi naman lahat ng tao gusto yung ginagawa natin pero as long as hindi natin ginagawa yun para manakit ng tao I think were good. Siguro ang advice ko lang now that the public knows who we really are, be grateful and at the same na whatever it is na personal thing mo, keep it to yourself. You don’t need to tell the whole world, keep it to yourself lang.”