• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu wanted her mother to get well and move to Manila so their family could take care of her

Kim Chiu wanted her mother to get well and move to Manila so their family could take care of her

Kim's father shares Kim went back and forth to Cebu to visit her mother in the hospital before Louella passed away.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/26/2013 9:35 PM
Kim Chiu wanted her mother to get well and move to Manila so their family could take care of her


062713-kim_-main.jpgNagbigay ng panayam ang tatay ni Kim Chiu na si William Chiu Jr. sa TV Patrol tungkol sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Louella. Punong abala si William at kanilang mga kamag-anak sa burol ng ina ni Kim. Nasa Thailand ngayon ang aktres para sa isang commercial shoot na di maipagpapaliban dahil sa kanyang kontrata na 2 years ago pang nalagdaan. Umaasa daw si Kim na papayagan siya ng advertiser at product owners para matapos agad ang shoot para makabalik sa Pilipinas at ihatid ang ina sa huling hantungan sa Sabado. 

Sa unang pagkakataon ikinwento ng ama ni Kim kung anong nangyari sa kanyang asawa at pamilya. Nang maghiwalay daw sila ni Louella ay di ito nagpakita sa kanilang pamilya. Nalaman na lamang daw nila ang kalagayan ni Louella nang ma-comatose ito isang linggo bago pumanaw. Hindi raw makalakad ang ina ni Kim at ooperahan sana pero pumutok ang dalawang ugat sa kanyang ulo. Kinontak ng caretaker ang pamilya ni Kim nang di na nito makayanan ang bigat ng bayarin sa ospital.  

Sabi pa ni William, nagpabalik-balik ang kanyang anak sa Cebu nang malaman ang nangyari sa kanyang nanay. Kahit nakaratay kinausap pa raw ni Kim si Louella, na tila nakikinig din sa kanya. Sinabi ni Kim na magpagaling agad ang ina niya para makasama na ito sa kanilang pamilya sa Manila. 

Karamay din sa panahon na iyon ni Kim ang kanyang on-screen partner na si Xian Lim. Alam daw niyang mahirap ang kalagayan ngayon ni Kim at handa siyang tumulong anytime. 

Nagpapasalamat ang buong pamilya ni Kim sa suporta at pakikiramay ng mga tao sa kanila.