• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil on falling in love with Julia Montes: 'Nothing is impossible naman!'

Enrique Gil on falling in love with Julia Montes: 'Nothing is impossible naman!'

Enrique Gil denies having a romantic relationship with Julia Montes; says he chooses to be single at the moment.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/25/2013 8:30 AM
Enrique Gil on falling in love with Julia Montes: 'Nothing is impossible naman!'


062513-enrique_main.jpgSa muling paglabas ni Enrique Gil sa teleserye na Muling Buksan ang Puso kung saan makakatambal niya si Julia Montes, naitanong sa kanya kung ano na ang lagay nilang dalawa ng aktres. Laman sa ilan mga pahayagan at social media sites na nagkakamabutihan na diumano ang dalawa. Aniya, “Sa ngayon parang ano lang e gusto ko ma-feel muna yung taping parang yung flow ng taping… yung aura kasi parang bago pa lang lahat so pati kami ni Julia before mag-take nag-uusap lagi kami para maging in the mood lang siguro.

Noong nagdiwang si Julia ng kayang debut, isa sa mga mensahe ni Enrique sa kanya ay aalagaan niya ang dalaga kaya naman nang muling maitanong ito kay Enrique at kung pangmatagalan ba ang pag-aalagang ito kay Julia, ang sagot ni Enrique, “Hindi ko masasabi yun, medyo maaga pa. Tignan natin kapag nag-start ang show kapag medyo. Kapag nagbonding na, I don’t know, wala pa masyado.”

Ngunit hindi naman isinasara ni Enrique ang posibilidad na maaring mahulog ang loob nito sa katambal. “Yun lang! Nothing is impossible naman.” Ngunit sa ngayon pinipili ni Enrique na manatiling single muna at ang kanyang dahilan dito, “Gusto ko lang ano, kasi minsan kapag karelasyon tapos wala kang oras… what more kung may girlfriend ka pa? Para sa akin mas magaan kung ako muna pero I don’t know pwede magbago lahat.” At iginiit niya na wala siyang girlfriend sa kasalukuyan.

Ngayon ngang makakatambal niya si Julia na naitambal na noon kay Enchong Dee at Coco Martin na napatunayang napakalakas ng tambalan sa telebisyon man o sa pelikula, maraming nais makaalam kung naprepressure ba siya na higitan o kahit pantayan ang tagumpay na nakuha ng tambalan nila noon. “Sa akin lang dapat kung ano ang eksena gawin ng maayos, kung ano ang gusto ng direktor tiwala lang kasi alam niya ang okay at hindi.

Ibinahagi niya rin ang aabanagang karakter niya dito sa serye na ipapalabas na sa July 8 sa Primetime Bida. “Karakter ko dito kasi parang sa nakikita mo hindi talaga yun yung binibigay niya, nasa loob lahat so hindi mo talaga mababasa yung character ko dito. Kaya lalo mo talagang pag-iisipan kung ano ang iniisip niya.

At sa inaabangan nang lahat kung may kissing scene ba sila ni Julia dito, “Meron ata pero hindi pa sa ngayon so abangan na lang.” At kung meron man hindi naman ito magiging problema. Aniya, “Sa akin wala naman talagang problema sa akin yun. Kung trabaho gagawin ko, yun lang.