• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris to ex-husband James : 'I know what it's like to grow up with no dad pero be responsible naman'

Kris to ex-husband James : 'I know what it's like to grow up with no dad pero be responsible naman'

The actress-host even compares her estranged hubby to Philip Salvador, the father of her son Josh.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/23/2013 9:32 PM
Kris to ex-husband James : 'I know what it's like to grow up with no dad pero be responsible naman'


062413-kris-main.jpg“No it’s not about me, it’s about my son and what’s best for him. It’s for him and anong gusto niya.” Yan ang bungad ni Kris Aquino sa mga tanong tungkol sa pagsasalita niya tungkol sa hindi pakikipagugnayan ng kanyang ex-husband na si James Yap sa kanilang anak na si Bimby noon Father’s Day. “I texted their lawyers at eight in the morning and I said how is it best to contact. I didn't get a reply until 4:45pm at sinabi sa akin na sorry hindi daw nila ma-contact si Mr. Yap pero subukan ko na lang tumawag so baka abroad … Honestly huwag naman nila akong gawing kontrabida… I did my share at eight in the morning and kung talagang atat ka sa anak mo 'di ba? 4:45 ako nireplayan. Di daw nila makontak yung tatay so try ko na lang daw, baka abroad, I don’t know kung nasaan, di ba?” 

Sa exclusibong panayam naman ng The Buzz sa lawyer ni James na si Atty Lorna Capunan kinumpirma nito na nagreach out nga si Kris sa kanilang kampo ngunit alam daw ni Kris na wala sa bansa si James. “He’s on a vacation that has long been scheduled, that;s why the weekend that he left, he wanted to see him. And if there was any indication that Kris would allow him to visit he would have cancelled his trip.” 

Kinumpirma naman ni Atty. Capunan na nasa Italy nga si James tulad ng mga nakapost sa Instagram account nito. Dito makikita rin na may kasamang Caucasian na babae si James at ito ang sinasabing bagong girlfriend ng basketbolista. Noong March ng taong ito, inamin na naman ni James na may bago na siyang karelasyon at alam na ito ni Bimby, ngunit di pa niya napapakilala ang dalawa sa isa’t isa. 

Dagdag ni Atty. Capunan sana naman daw ay wag gamitin ni Kris ang permanent protection order para hindi makapagkita si James at si Bimby. 

Sana di naman gamitin ang PPO ni Kris to prevent, kasi palagi silang magkasama. And if they are always together, it is impossible to get 100 meters from Bimby.”  

Bwelta naman ni Kris, sa kanya pumabor ang korte kaya dapat ay gumawa ng paraan si James para mabisita ang anak nila. “The court found it in my favor. Na in the court’s eyes nabastos ang pagkababae ko ni James Yap. So pay for the consequences dahil ikaw ang nambastos eh. Masyado nilang nililihis yung nangyari. And obviously the court found you violated my rights as a woman. So di ko yung ginagamit… I told them, ‘Alam niyo sa visitation bahay namin. Eh hindi ka pa nga pwede umapak sa bahay namin so idaan niyo sa korte ng maayos kung saan yung visitation’. I got the papers today, pinakita ko kay Bimb, inexplain ko sa kanya. Let’s go through this the proper way. Walang nanay na napakawalanghiya na idedeprive niya ang anak niya of a father lalo na kung buhay yung tatay na yun. Kasi I know what it’s like to grow up with no dad pero be responsible naman. Hindi yung parang dinemand mo lang at kelan convenient sa yo okay.” 

Pinasaringan din ni Kris na hindi naman daw siya ang mahilig magpapress conference tungkol sa mga nagaganap sa kanila. “Di ba when we got the results nanalo ako, nagpapresscon ba ko? Hindi. Nanahimik ako. Sino ba ang papresscon ng papresscon? Hindi ko naman ginawang big deal kasi nagpapakatotoo lang naman ako, sila puro kasinungalingan. So this is the truth and my son knows the truth ‘cause my son witnessed everything.” 

Mariin namang itinanggi ni Atty. Capunan ang mga alegasyon ni Kris. “I’m not a presscon person. It is the press who always calls me for a reaction. And I think it is my duty as counsel to protect or to clarify or to say the truth. Everytime I open my mouth, it is only reactive to what she says.” Pinaliwanag din ng abogado ang scenario ng kasulukuyang visitation rights ng kanyang kliyente. “Visitation order said of Branch 114, that James exercise his visitation rights in 1 Roxas. We wanted that amended because there is no way  James can go to 1 Roxas where Kris lives, ang request namin sa court is to allow James to bring Bimby to Serendra.” 

Noong Biyernes parehong humarap sa korte ang dalawang kampo upang dingin ang apila ng basketbolista. 

Nainterview muli si Kris sa pagkakataong ito at sinabi pa ng actress-host na ngayon niya naappreciate ang dating ka-relasyon na si Philip Salvador, na ama naman ng kanyang anak na si Josh. “Let the facts speak for itself. ‘Wag naman sabihin sa akin na pinagkakait ko. Dahil wala ako ever pinagkait dun sa dalawa. And in the same breath sasabihin ko na ngayon ko naappreciate ang pagkatao ni Philip Salvador na never ginulo si Josh. Nakita na maganda ang pagpapalaki ng pamilya ko, nakita kung anong devotion ang binibigay ng mga kapatid ko kay Josh, di kami ginulo.” 

Nito lang ay ipinakita sa KrisTV ang bakasyon ni Kris sa ilang probinsya sa bansa at sa Singapore kasama ang kanyang dalawang anak, ibidensya kung gaano kalapit ng mga ito sa kanya, lalo na ang bunso na si Bimby. “He brings me so much joy. Yun talaga. When I talk of him, my whole world lights up. Hindi siya problema at all. My two sons, buo na yung mundo ko dahil sa kanila,” pagtatapos ni Kris.