Charice says she is not giving up on her mom's acceptance

Charice is thankful for the people in the showbiz industry who accepted her with open arms.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/23/2013 9:25 PM
Charice says she is not giving up on her mom's acceptance


062313-charice_main.jpgSa interview ni Boy Abunda kay Charice sa The Buzz nitong Linggo, kinamusta niya ang singer sa mga naranasan nito matapos niyang ‘mag-come out’ sa publiko tungkol sa kanyang sekswalidad. “So far po, sobrang blessed po, di ko po maexplain. Basta alam ko po nagpapasalamat ako na ginawa ko yung napakarisky na move na yun. Kasi po walang regrets talagang masasabi ko po sa sarili ko, yes, I did the right thing,” sabi ni Charice. 

Sa positive reaction ng mga kasamahan niya sa industriya at sa mga taga-suporta, aminado din si Charice na nakahinga siya ng maluwag. “Gusto ko magpasalamat sa lahat, pero specifically po gusto ko magpasalamat sa mga Filipinos kasi po nung nagdecide ako na magcome out Yun po talaga yung isa kong naisip na natakot ako sa magiging reaction ng fellow Filipinos po, pero sa pinakita po nila sa aking suporta, unexpected na suporta nga gusto ko pong magpasalamat talaga, as in sobrang pasasalamat ko po kasi parang isa yun sa malaking rason kung bakit ako nakahinga ng maluwag. Dahil din sa suporta ng mga Filipinos sa akin.” 

Naging guest sa isang concert kamakailan ng singer at lesbian din na si Aiza Seguerra si Charice at sinabi nito na dream come true ito para sa kanya. “Nangyari po yun sa Greenbelt. Isa lang po ang masasabi ko, dream come true po. Kaya nagpapasalamat po ako kay Aiza for giving me that opportunity na makapagperform po with her. Sana hindi yun ang last. Sana maulit po.” 

Unti-unti na din na nagiging busy muli si Charice dahil sa kanyang mga upcoming na proyekto. Isa na dito ay pagkanta ng theme song ng isang animated film sa US. “Yung po isa di pa ko pwede magbigay ng details pero narecord ko na po siya dito po sa Philippines. Tinulungan po ako ng mga producers po na nasa LA po sila through Skype. Para po yun sa isang animated film sa US. Bukas po magpa-fly po dito yung musical director ko na si Choi Loreta, kapalit po siya ni Chesa. Start na po namin yung album ko dito sa Philippines.” Sinabi din ni Charice na magkakaroon siya ng show sa Germany sa September. 

Nang tanungin ni Boy si Charice kung napanood niya ang mga panayam ng kanyang ina na si Raquel at kapatid na si Carl sa The Buzz ay diretsang sinabi naman ng singer ang reaksyon niya dito at kung ano na ang estado ng kanilang relasyon. “’Di naman po ako magsisinungaling. ‘Di po ok. Pero andun naman always yung hope ko po, na alam ko eventually magiging ok lahat. And basta ang ine-expect ko po ngayon hindi naman agad na maayos ng ganun kabilis dahil naiintindihan ko po yung nararamdaman nila. Sa kin po ang gusto ko sabihin sa kanila pwede po nila kunin lahat ng time na gusto nila, ng gaano katagal, maghihintay po ako. Siyempre, gagawa po ako ng effort para maayos po lahat. Ang gusto ko lang sabihin sorry na disappoint sila. Pero eto po talaga si Charice na anak niya, at si Charice na kapatid po niya, ni Carl so para po sa akin family is family always.”