Ai Ai Delas Alas face Jed Salas in court

The actress admits she still cries at night about the issue but knows the pain will go away in time.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/23/2013 9:30 PM
Ai Ai Delas Alas face Jed Salas in court


062313-ai_main.jpgMuling nagharap sina Ai Ai Delas Alas at Jed Salang sa QC Regional Trial Court Branch 94 para sa pagdinig ng kasong isinampa ni Ai Ai laban kay Jed, ang paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children. Naglabas din ang korte ng temporary protection order para sa aktres at kanyang mga anak. Isang gag order ang nagbabawal sa dalawang panig na magsalita tungkol sa kaso. 

Sa panayam sa komedyana ng The Buzz, sinabi nito na hindi na siya interesado makita pa ang asawa. “Hindi ko siya nakita actually. Naririnig ko lang boses niya. And di na din ako siguro interesado.” Dagdag pa niya nagdasal na lamang siya at di na tinignan pa ang kabilang kampo. 

Nagbigay naman ng reaksyon si Ai Ai sa larawan ni Jed na umiikot ngayon sa Internet kung saan ay may kasama itong isang babae. “’Di ko rin kilala yung babae. And ‘di naman rin natin alam kung ano niya yun, baka kamag-anak niya, or pinsan niya or something. Hindi natin alam. Ayaw ko naman mag-judge sa kanila. But legally and technically asawa ko pa din si Jed. Technically and legally pero sa situation namin ngayon, hayaan na lang kung dun siya masaya. Hayaan na lang natin siya … Hayaan na lang wala naman na tayong magagawa.” 

Sa issue naman ng mga body guards ni Ai Ai, binigyang linaw niya na hindi ito bigay ng kanyang malapit na kaibigan na si Kris Aquino. “Hindi ko sila PSG. PNP ko sila. And ako ang nagbabayad sa kanila and apat yun dati pa. Hindi niyo lang nakikita pero dati pa noon pa yun may PGT pa nun, apat na talaga sila. Nagpatulong lang ako kay Kris dun sa dalawa. Nung nalaman ko na yung process ako na yung kumuha nung dalawa. Dalawa sa bata, dalawa sa ‘kin.”

Aminado naman si Aiai na iniiyakan pa din niya sa gabi ang kanyang mga dinanas. Pero alam niya naman na unti-unti din siyang babangon at magiging masayang muli. Pinapasa-Diyos na lamang daw niya ang lahat. “Kasi naman, sabi nga ni Direk Wenn (Deramas), ang pain wala naman shortcut. Talagang it’s a process. Hanggang nakasanayan mo na na wala na lang. Oo maghihilom lahat ng sugat sa tamang panahon. Ayoko na magalit. Noon pa na sinabi ko na I trust Him, I trust the Lord. Siya na ang bahala.

Sa ngayon nakatuon ang atensyon ni Ai Ai sa kanyang mga anak. Kasama ang panganay na si Sancho, tumulak si Ai Ai patungong Amerika upang magbakasyon ng isang buwan at bisitahin ang iba pang mga anak na sina Niccolo at Sophia. Pero nabulabog ang bakasyon ng pamilya nang isang Instagram user ang nangugulo sa account ni Sancho at nagsasabi ng kung ano ano laban sa kanyang ina. Marahil daw ay taga-suporta ito ni Jed at di napigilan ni Ai Ai na gamitin ang kanyang sariling Instagram account para magbigay mensahe na sana tigilan na ng nagpopost ang kanyang pamilya at anak. Ipinahiwatig din ni Ai Ai na kilala niya kung sino ito pero dahil sa gag order ay pinili na lamang niyang manahimik tungkol dito.