• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap talks about upcoming album and the movie version of 'Be Careful with my Heart'

Richard Yap talks about upcoming album and the movie version of 'Be Careful with my Heart'

Richard Yap is very excited to record his new album with songs that are his personal favorites.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/21/2013 9:36 AM
Richard Yap talks about upcoming album and the movie version of 'Be Careful with my Heart'


062113-richard-main.jpgHindi na nga mapipigilan pa si Richard Yap, mula sa top-rating niyang hit teleserye na Be Careful With My Heart at sa mga sunod-sunod niyang mga endorsement deals, out of town shows. Ngayon naman ay pumirma si Richard ng kontrata sa Star Records.

Ibinahagi ni Richard na mas kilala bilang si ‘Ser Chief’ ang lalamanin ng kanyang pinakabagong album. “We’d be doing about eight to ten songs in this album, combination of Tagalog, English and maybe one Chinese song.”

Ayon kay Richard pinag-uusapan pa ang ibang detalye ng kanyang album tulad na lang ng lalamanin nitong mga revival at original songs. “We’re still talking about that actually there was someone who wanted to write an original song pero hindi pa namin napag-usapan.” Ngunit asahan na more on ballads and at acoustic ang maririnig natin sa kanyang album na ayon sa kanya ay halos kanyang mga personal favorites. At sa dahilan kung bakit ang mga kantang iyon ang kanyang mga napili na mapabilang sa kanyang album, “Maganda yung meaning nung mga songs so hopefully it touches the people who listen to that song.”

Sobrang excited din si Richard sa album niya na ito na ikinatutuwa niyang ibahagi sa kanyang mga fans at supporters. “Siyempre I’m very excited kasi this is going to be a solo album and hopefully matanggap na ng mga tao na,  yung ano natin (laughs) yung ambisyon natin to be a singer.” 

Kwento pa ni Richard na bata pa lang siya ay mahilig na siya sa pagkanta at musika. Maging ang kanyang ina ay hilig din ito. Aniya, “I used to be in the glee club when i was in high school so may konting inclination to music. My mom was a piano player she used to play the piano and my sisters also, ako lang ang di natuto kasi tamad ako (laughs).”

Ngayon ngang opisyal nang kabilang sa Metro Manila Film Festival ang movie version ng Be Careful with my Heart ibinahagi niya ang kanyang excitement sa pelikulang ito. “Of course we’re excited but we’re also kabado rin kami kasi more taping days yun (laughs).” At sa mga fans ng seryeng ito, nagpasilip si Richard ng kung ano ang aabangan ng mga tagasubaybay nina Ser Chief at Maya, “Actually its going to be a different story from Be Careful (TV) para siyang continuation of Be Careful…hindi siya yung condensed version, so you are going to expect something different.”