• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador is happy that her 'Ina Kapatid Anak' role made an impact

Maja Salvador is happy that her 'Ina Kapatid Anak' role made an impact

Maja Salvador says she learns something new from every teleserye she has starred in.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/20/2013 8:31 AM
Maja Salvador is happy that her 'Ina Kapatid Anak' role made an impact


062013-maja_main.jpgSa naging matagumpay na pagtatapos ng Ina, Kapatid, Anak noong nakaraang lingo, nakakwentuhan ng ilang press si Maja Salvador tungkol sa isang pelikulang na kanyang gagawin kasama si Sen. Jinggoy Estrada. Bakas pa rin ang tuwa ng aktres sa ganda ng naging takbo ng kanyang katatapos lamang na serye, na para sa kanya ay isa sa mga pinakamagandang karakter na kanyang nagampanan.

Ito yung siguro sobrang happy ako sa character ko na Margaux kasi unang-una, hindi lang siya basta kontrabida. Alam mo kung ano yung journey ni Margaux, kung ano yung mga napagdaanan niya, at alam mo kung saan siya nanggagaling. So ako, sobrang happy talaga ko na nabigay sakin yung character ni Margaux at sobrang masaya ako, yung director ko, yung writers, yung mga staff nandun para tulungan ako para palakihin yung character ni Margaux, yung personality niya. So, nakakatuwa kasi kahit papaano, tumatak si Margaux at Celyn talaga.

Maging ang ilan sa mga nakasama niya sa serye tulad ni Janice de Belen ay pinupuri ang kanyang galing sa pagganap, at nagbigay naman ng reaksiyon si Maja tungkol ditto. “Katulad ng sinabi ko talaga sa The Buzz, sobrang thankful ako na makasama sila kasi iba yung passion nila sa pagta-trabaho. Nakaka-inspire talaga. Talagang kahit na ayaw mo mainggit, kainggit naman! Saan nila kinukuha yung emosyon na yun? Alam mo yun? Saan nila nakukuha yung pagiging isang magaling na artista. Ang natutunan ko sa kanila, yung concentrate and focus lang sa character mo at dapat alam mo kung saan nanggagaling character mo, yung ganun.”

Maraming nagsasabi na ibang Maja ang nakikita nila sa kanyang bawat pagganap. Kaya naman sa tanong na kung sa kanya ba ay gumaling siya dahil sa serye na ito pagdating sa kanyang pag-arte, “Bawat teleserye naman na ginagawa ko eh, hindi natatapos yung ng wala akaong naututunan or wala akong nakukuhang mga tips sa mga artista, nakakatulong.

At ngayon nga ay may pelikula siyang ginagawa kung saan siya mismo ang pinili ni Senator Jinggoy Estrada na makasama bilang anak nito sa pinakabagong nilang pelikula. At ibinahagi niya kung paano makatrabaho si Senator Estrada sa pelikula. “Si Sen, maalaga, tumataba ako. Laging may lechon, parang last day namin palagi.” Dagdag pa ni Maja, “Kaya pala siya mahal ng tao dahil ang galing niya makisama, hindi lang sa mga artista kundi sa lahat, sa staff, sa crew. Kasi di ba dapat artista lang yung may lechon and food? Hindi, siya lahat parang pa-last day talaga.

Ibinhagi din ni Maja ang pakiramdam na makasama sa unang pagkakataon sa isang pelikula ang senador at nagpasilip sa kung tungkol saan ang pelikula. “I’m so happy po na kasama ako dito sa pelikula na Tatay kasi iba naman yung offer namin. ‘Di ba may mga pelikula lahat tungkol sa pagiging nanay, ito naman, paano maging isang tatay, ang isang tatay kapag wala yung ina, wala ayung ilaw ng tahanan. Actually walang love angle eh, more on paano maging kaibigan ang isang tatay. Sobrang saya lang dahil hindi ko lang siya kilala bilang isang senador, nakaka-trabaho ko pa siya bilang isang artista na parang ang dami kong nalalaman about Senator Jinggoy.”