• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador says she and Kim Chiu are still not on speaking terms

Maja Salvador says she and Kim Chiu are still not on speaking terms

The actress reveals she is happy with Gerald Anderson's admission of their relationship.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/2/2013 10:25 PM
Maja Salvador says she and Kim Chiu are still not on speaking terms


060313-maja_main.jpgSa exclusive interview ni Boy Abunda kay Maja Salvador sa The Buzz, inamin nito na sobrang saya ng kanyang puso ngayon sa piling ng aktor na si Gerald Anderson. Isang araw ay nagulat na lamang daw siya na mahal na niya si Gerald. “Unexpected happiness po. Kaya di ko po maexplain kung anong happiness meron ako. Di lang dahil dumating siya sa buhay ko kundi dahil sa positive lahat.” 

Sa pag amin ni Gerald sa estado ng kanilang relasyon sa StarStudio Magazine, nasabi daw ito sa kanya ng aktor matapos mismo ng kanyang photo shoot para sa interview. “Nung araw na sinabi niya na umamin na siya, dun ko narealize kung gaano ako kaimportante sa buhay niya.”Sobrang gentleman daw at sobrang bait ni Gerald. “Aaminin ko, kinain ko yung mga sinabi ko. Marami akong sinasabing masasama sa kanya dati. Never kong naisip na magiging kaibigan ko siya, na maiinlove ako sa kanya. Pero nung nakilala ko yung tao, iba. Di mo akalain sa mga ganoong paguusap, sa saglit na pagsasama, pwede mo pala mahalin yung tao.” 

Sa relasyon naman nila ng dating kaibigan na si Kim Chiu, sinabi ni Maja na professional na lamang siya sa set ng kanilang teleserye na Ina Kapatid Anak. “Yung pupunta ka sa set na iba na pero kailangan mo magtrabaho. At kailangan kong gawin ng tama yung trabaho ko.” Sinabi din ng aktres na di sila naguusap ni Kim. “Di ko po masabing civil kasi di pa rin po kami naguusap.” 

Sa interview naman ni Kim kung saan sinabi niya na she can ‘forgive but not forget’ sabi naman ni Maja ay nirerespeto niya ang sinabing iyun ng kanyang co-star. Araw-araw pa din daw ay pinagdadasal niya na sana ay magkaayos na sila ni Kim.