• Home
  • Fresh Scoops
  • Charice reveals she's a lesbian: 'Ang gaan po ng pakiramdam ko'

Charice reveals she's a lesbian: 'Ang gaan po ng pakiramdam ko'

Charice admits former X-Factor finalist Alyssa Quijano is special to her.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/2/2013 10:27 PM
Charice reveals she's a lesbian: 'Ang gaan po ng pakiramdam ko'


060313-charice2_main.jpgSa exclusive interview ni Boy Abunda kay Charice nitong Linggo sa The Buzz, inamin din ng singer na isa nga siyang pusong babae o lesbian. “Opo tomboy po ako. Di ko po alam ano yung problema doon. Kasi para po sa kin wala pong problema doon. Ngayon gusto ko po humingi ng tawad sa mga di nakaintindi, sa  mga di po makakaunawa, sa di po ako matatanggap, sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat po ng makakatanggap, matatanggap po ako, maraming, maraming salamat po. Sa ginagawa kong ito gusto ko lang sabihin sa inyo na ang gaan ng pakiramdam ko. Makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago. Wala akong nasasagasaang tao dahil wala akong tinatago. Sorry Mommy, Carl, pero eto ako. Proud ako sa sarili ko. Mahal ko ang sarili ko kaya ko to ginawa. Sa mga fans ko, alam ko marami sa inyo disappointed. Alam ko nga yung iba sa inyo tatalikuran na ko. Sorry, alam niyong sincere akong tao. From the bottom of my heart, I’m so sorry. Naiintindihan ko.”

Ni-reveal din ni Charice na nagkaroon na siya ng relasyon sa kapwa niya babae. “Opo. Siyempre di ko naman po masasabi kung sino yung mga nakaraan pero opo naman na-experience ko po yun. Tago po (laughs).” Pero mariin na pinabulaanan ni Charice na nagkaroon sila ng relasyon ng The Voice US finalist na si Cheesa at parang kapatid daw ang turing niya dito. 

Pagdating naman sa nababalitang girlfriend daw niya na si Alyssa Quijano, na member ng X-Factor Philippines finalist na AKA JAM, inamin ng singer na special ang turing niya dito. “Ahh…matagal na po kami magkakilala, 9 years old siya, 10 po ako sa mga singing contest po. Nagkakalaban po kami noon. And then nagkita po kami ulit sa X-Factor. Ang masasabi ko lang po siya sa buhay ko ahhh…isa po siya sa sobrang pinagkukunan ko po ng lakas ng loob. She’s a very special person.” Kung mabubuksan lamang daw ang kanyang puso ay makikita na malakas ang tibok nito para kay Alyssa. 

Sa chismis naman na isa si Alyssa kung bakit nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ng kanyang ina, ang nasabi lamang ni Charice ay, “Hindi nila kilala si Alyssa. They don’t know how amazing she is.” 

Nang tanungin kung may balak ba siyang magpakasal, sinabi lang ni Charice na may balak siya pero hindi pa in the near future. 

Malakas pa din ang panalangin ni Charice sa Diyos na sana ay matanggap ng kanyang pamilya ang kanyang pagkatao. “Nasa sana po, eventually, matanggap ako ng mga taong gusto kong tumanggap ng pagkatao ko. Yung family ko po.” Wish nga daw niya na sana’y mas naging open pa siya noon sa ina at kapatid sa bagay na ito. 

At sa mga kabataang nagdadaan din sa ganitong sitwasyon sa buhay payo ni Charice, “Always be true to yourself. Alam natin kung sino ka. Life is too short to play games. Just be free.” 

Sa pagtatapos ng interview sinabi ng singer na bagong yugto daw ito ng kanyang buhay at sana’y sabayan ng kanyang mga fans na Chasters ang kanyang ‘crazy life.’