Charice admits conflict with mother, family

In Part 1 of 'The Buzz' exclusive interview with the singer, Charice reveals she has left home.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/2/2013 10:26 PM
Charice admits conflict with mother, family


060313-charice_main.jpgMatapang na humarap si Charice sa kanyang ninong na si Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo para harapin ang mga isyung matagal nang humihingi ng kasagutan mula sa kanya. Inamin ni Charice na nagkaroon din siya ng takot na humarap sa publiko at inisip muna niya kung ano ba ang kanyang dapat gawin sa sitwasyon. “Kasi po ako ganito talaga kapag may mga big issues na lumalabas. Siyempre tao pa rin po ako, natatakot po ako. Sobrang maingat po ako na di ko alam ang dapat kong sabihin para maging neutral lang po ang maging reaksyon ng mga tao kasi ayaw ko po yung bigla na lang ako magsasalita tapos negative, kaya binigyan ko po ang sarili ko ng break, mag-isip kung ano po ang dapat kong gawin, kung ano yung next step na kailangan kong gawin para maging better lahat ng situation. Kaya po nakaharap po ako sa inyo ngayon. “

Marami daw kasi sign na nakita si Charice na ito na ang tamang panahon para sagutin ang mga issue. Kabilang dito ang sinasabing matagal nang alitan nila ng kanyang inang si Raquel. “Opo nagkaaway po kami ni Mommy. Kelangan ko po siyang intindihin dahil kung nasaktan niya po ako alam ko po mas nasaktan po siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami magkaaway. Nasa stage po kami pareho na tina-try na intindihin ang isa’t isa pero I have to give her credit na tinatry po niya na intindihin yung sitwasyon. Kaya po ang sinasabi ko na lang opo, nagkaaway po kami.” 

Hindi pa daw nagkakausap si Charice at ang kanyang Lola Tess, na nagbigay ng panayam sa The Buzz ilang linggo na ang nakalipas. Sinabi ng singer na naiintindihan niya ang kanyang lola at tinatanggap niya ang mga opinyon nito. 

Sa usapin naman tungkol kay Robert Eder, isa sa mga taong nagbigay opinyon sa mga pinagdadaanan ni Charice, sinabi niya na ninong niya si Robert at nirerespeto niya ito. “Tito Boy nirerespeto ko siya as a person. He’s my ninong. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ko alam bakit di ako galit sa kanya.  Kahit isipin ko po na kailangan kong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi po. Nagstay po kami sa bahay nila, siya nagturo sa kin ng small things, siya po nagturo sa akin magdrive. Basta ang sa akin lang po, kilala niya po ako bilang isang tao. Kilala ko po siya. Nirerespeto ko po siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.” 

Sa isyung naglayas daw siya sa kanilang bahay, sinabi naman ni Charice na hindi siguro ito ang tamang termino sa naganap sa kanya, dahil kinailangan niya umano na lumisan na ng kanilang tahanan. “Naglayas? Di ko po alam ang sasabihin ko doon. Umalis po ako ng bahay, opo. Pero alam ko po at alam din po ni Mommy noon na dun darating sa point na ‘to. Umalis po ako ‘di dahil ayaw ko na po doon, umalis po ako dahil yun yung kailangan.”

Isang pamilya sa Cabuyao, Laguna ang kumupkop ngayon kay Charice, na mga dating kakilala at kaibigan. Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito na inilarawan niyang ‘would take a bullet for me.’ Mahirap daw magtiwala sa mga tao at nagdasal siya sa Panginoon para i-guide siya sa mga tamang taong pagkakatiwalaan niya. “Pwede ko ipakita si Charice sa harap nila na walang manghuhusga,” description ni Charice sa kanyang Mommy Lina at Papa George. Hindi daw sapat ang salitang ‘salamat’ sa mga bagay na nagawa ng mga ito sa kanya. “Sa pangalawang pamilya ko po ngayon, yung pasasalamat ‘di pa po sapat yun. Parang kahit sabihin ko yung araw-araw, ‘di pa din enough yun sa mga ginawa nila para sa akin. Alam ko po nandito ako, mga isang buwan na po pero parang years na po ako nagste-stay dito. Gusto ko po sabihin talaga sa harap ng maraming tao nagpapasalamat po ako sa kanila. Sana po ‘wag sila magisip ng masama against sa kanila dahil kung di po dahil sa kanila siguro po wala ako ngayon, sobrang depressed ako. Nagpapasalamat po ako, andito po ako.”

Umaasa naman si Charice na eventually magkakaayos din sila ng kanyang pamilya. 

Sa kanyang career naman, marami daw ang nagsasabi na wala nang karera si Charice na babalikan. “Mga tao nga dito tawag sa kin Moymoy … Palaboy! Naging joke na po yun nun nalaman nila yun. Natrauma din po ako, narealize ko ang hirap pala magpakababa, yung nakikita nila ako sa labas na gumagala. I gotta do that kesa naman magpasosyal ako, na ayokong lumabas. Nanonood ako ng basketball, yan po ang hilig ko ngayon, yun po ang gusto kong gawin.

Pero pinabulaanan ng singer na wala na siyang career at sinabing may mga project na nagaabang pa din sa kanya. “Sa US po si Mark Johnston pa rin ang naghahandle sa akin wala pong nagbago doon. Sa Philippines si Gwen Alvarez. It’s very nice to have na may tao na kilala ka, alam yung gusto mo, alam yung ayaw mo.” May nakatakdang recording daw si Charice para sa isang malaking proyekto at may show din daw siyang lalabasan na hindi pa niya pwedeng idisclose ang title. At all set na din daw siya para sa recording ng kanyang ikatlong album na para lamang sa kanyang mga taga-subaybay dito sa Pilipinas.