• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are excited about their upcoming horror movie

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are excited about their upcoming horror movie

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are eager to tackle a different genre in their next movie project.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/19/2013 10:26 AM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla are excited about their upcoming horror movie


061913-kathniel_main.jpgSa lakas ng tambalang KathNiel, hindi na nga mapipigilan ang sunod-sunod na pagdating ng kanilang mga proyekto. Sa panayam ng Showbiz Inside Report Online sa dalawa tungkol sa nalalapit nilang panibagong pelikula at teleserye, hindi maitago ng dalawa lalo na ni Kathryn, ang kanilang saya. Aniya, “Masaya! Siyempre naman and yun horror naman for a change. So ibang genre ulit, so exciting.” Kahit si Daniel ay excited na rin dito, “Masaya naman ako para samin ni Kathryn dahil tuloy-tuloy, hindi tayo nags-stuck up. Masaya tuloy-tuloy lang ang basis.”

Sa kanilang pinakabagong proyekto, isang horror na pelikula ito na may konsepto ng “pagpag” o ang pag-punta muna sa isang lugar matapos makipaglamay bago umuwi sa sariling bahay. Ayon sa kasabihan ito ay para hindi sumunod ang espiritu ng dinalaw. Ayon kay Kathryn, pamilyar na rin siya sa kinatandaang gawain na ito ng mga Pilipino. “Actually kapag pumupunta ako sa wake or ganyan, parati kaming nagpapagpag bago kami umuwi. Magsa-stop ako sa gasoline station tapos naga-ano… yun lang nagpa-pagpag lang bago umuwi sa bahay.” Aminado si DJ na matagal na niyang gustong gumanap sa isang horror na palabas o pelikula, “Nag-uusap kami palagi ng mga director before sa Princess and I, gusto ko ng horror. Si Kathryn [kasi] nakapag-horror na siya eh.”

Aminado si Kathryn na matatakutin siya sa totoong buhay at hindi nanonood ng horror pero excited siya sa proyektong ito dahil para sa kanya, isa namang bagong pagganap ang kanyang gagawin. “Enjoy ko naman siya kasi nga iba, hindi ka iiyak, hindi ka magpapakilig. Mananakot ka lang.” Nakuha pang magbiruan ng dalawa tungkol sa pagiging matatakutin ni Kathryn. Sigurado si DJ na hindi ito kayang panoorin ni Kathryn sa takot. Aniya, “Pinipilit ko siya. Nagdalawang-isip kasi siya dito eh.” Na biglang kinontra ni Kathryn, “Oy hindi ah. Alam ko naman pag ako yung kasama siyempre alam ko yung mangyayari pero pag talagang pinapanood ko, lalo na pag international… “ Ngunit giit ni DJ, “Hindi niya kasi kayang manood talaga promise, totoo.”

Sumagot na rin Kathryn ang mga kumakalat sa social media network kamakailan ang litrato kung saan nakuhanan silang bumubulong sa kanya ang Glee mainstay na si Dean Gayer na sinasabing pinagselosan diumano ni Daniel Padilla. “Hindi marami ngang kumalat na pictures pero hello?! International grabe naman yan. Parang may tinatanong lang siya nun kasi, hindi ko na actually matandaan kung ano na yung pinag-uusapan namin basta nasaktuhan lang nila. Na-picturan lang nila yun.”