• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Poon and Maricar Reyes share their love story on 'The Buzz'

Richard Poon and Maricar Reyes share their love story on 'The Buzz'

Richard says after almost a year of dating the actress he promised Maricar he would never leave her.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/16/2013 10:30 PM
Richard Poon and Maricar Reyes share their love story on 'The Buzz'


061713-richardmaricar_main.jpgNagulat ang lahat noong isang linggo nang pumutok ang balitang ikinasal na ang singer na si Richard Poon at Maricar Reyes sa isang intimate Christian ceremony sa Belvue Hotel sa Alabang. 

Sa isang exclusive interview ng bagong kasal kay Boy Abunda sa The Buzz, shinare ni Richard at Maricar ang kanilang love story at paano ito nauwi sa happily ever after. 

Pinapanood lang dati sa Betty La Fea ni Richard si Maricar at inamin niyang na-attract siya agad dito. "Nakita ko from afar her face, I thought, talagang type ko eh, Chinese, gandang babae, then later when I came near the TV, nagta-Tagalog. I think yung manager ko nung pinili siya sa aking music video, nagulat ako. Later on nalaman ko, kasi crush mo kaya namin kinuha."

Sa shooting ng kanyang music video, nakilala ng kaunti ni Richard si Maricar. "Nung nameet ko siya 2009 of September, it was not a very good time for her. To see  the grace, yung quiet grace niya under such pressure para sa kin, there's something about this girl. Something internal. Something overlooked by ... she's sheepish, meekish, tahimik, listener, di masyadong nagsasalita, blends in the crowd. There's something solid sa ilalim. That got me."

SInubukan daw niyang i-engage si Maricar noon sa isang conversation. Gusto niya din kilalanin ng maigi ang aktres pero nararamdaman niyang hindi pa ito ang tamang panahon. “Video shoot, habang sine-set up yung scene, doon ko siya i-engage. So alam ko doctor siya so I'd ask her ' o, kamusta yung mga cases niyo na ganito' I'd talk about sickness para lang may mapagusapan…but deep inside ‘di niya alam ayaw ko kunin yung number niya. Many people do not know I also have a past I am not proud of. kasi before when I'd like something, like a girl, I'd be very fast, kukunin ko yung number nung girl, quick, very fast, minsan immature na di nagiisip, di nagkakalkula. So that day nung pauwi na kami sa van, galing Batangas sa shoot, I had two hours to think. Pero I ended up binababa namin siya, di ko kinuha number niya. I said I don't wanna move too fast, so 'wag muna.”

Naisipan na daw ni Richard na finally tawagan si Maricar nang lumabas ang kanyang music video. At dito nangyari ang kanilang unang date. "The music video of 'You and I' that she was part of, came out two weeks after. It placed very well (on the charts) so I called. I said to my road manager 'Hey you have the number of Maricar di ba?' He said 'Yeah' Excuse (laughs). I said 'Call her for me to say thank you.' That one thank you na kinuha ko yung cellphone ng road manager ko ended up 45 minutes and yung road manager ko nakatingin lang sa kin parang gusto sabihin 'ah may lakad pa po ako.' So I said to her, since ang haba na nitong conversation natin, you want lets continue to coffee? So kinuha ko na yung number niya so we went out for coffee. Yun I think was our first date. “ 

However, inabot ng one year bago nasundan ang kanilang date. "Since I was then a speeding bullet, I made a lot of mistakes, ako ang laki ng takot ko na, ano ba to, uulitin ko na naman yung sinasabi kong di ko na uulitin. So I am trying to restrain myself kasi I am at a point na ayaw ko na ng trial and error. So naninigurado ako ng buo, kasi baka masaktan ko siya. It was hard. I cannot say I made it squeaky clean. Kasi I told some people in ASAP when she would guest, sasabihin ko sa sarili ko, 'di ako pupunta sa dressing room niya.' Pero the first thing, the moment I go to the ASAP stage, I'd go to her dressing room every time." 

Sa Star Magic Ball daw noong 2010 muling nagkausap ng masinsinan sina Maricar at Richard. "From Star Magic Ball October 2010, we got around to talk, dated her again, pero it was only until July 1 of 2012, na finally, may push and pull pa nun, nung time na yun that season kasi parang I was making sure na ito na, mukhang ito na." 

Dito inamin na ni Maricar na naguguluhan siya sa dating situation nila ni Richard kaya nagdecide siya na itigil na ito pero biglang bumawi ang singer. “July was a bit confusing. I was already telling him na ayoko na. There's a phone call in the afternoon and I'm telling him I'm really putting my foot down na di muna tayo magiging friends until mawala na yung gusto ko sa 'yo. Eh tumawag siya ng midnight, I was 'Why are you calling me? Eto na nga ako naghihirap na dumistansya sa yo and you're calling me?' Anyway I gave cause he said, 'Do you trust me? There's something I need to say' Okay, so laking shock ko and pleasant surprise he laid down his intentions." Sumegundo naman si Richard. "I told her this is it. I'm not gonna leave. This is commitment that you deserve. I believe, we've waited so long." 

Wala pang ilang buwan ay sinabi na agad ng crooner ang kanyang balak para sa future ni Maricar sa mga magulang niya. "A month after we got together, he flew to CDO to talk to my parents. And I didn't know he talked to my dad already and he told him his intentions to me," lahad ni Maricar. 

Sa kwento pa ni Richard natuwa siya sa reaction ng ama ng kanyang girlfriend. "I think we were having dinner. Nag-CR si Mommy niya and I think sumama si Maricar. I was scared but I really had to say, what I had to do. 'Tito gusto ko lang po sabihin na I want to ask your permission na ligawan si Maricar for marriage na papunta. Yun ang intention ko. Kasi I think as a father, I heard and anticipated that he would be very protective of Maricar with what happened. I wanted to assure na I'm not playing around, I am not going to play around with your daughter. He was very cool, super cool yung dad niya. Sabi niya, 'Oh really? Okay.' He took it well, parang alam na niya eh." 

Isa daw sa mga nagustuhang traits ni Richard kay Maricar ay ang peaceful strength nito. "Contrary to how people see me, I can be confrontational. I can be upfront, true. I don't really respond well kapag nagdidisagree sa kin. I'm still learning to be more graceful. And she has that peaceful strength that 'you know honey, you have a point but I don't agree with you.' It's very respectful and lagi niyang ina-affirm sa kin na may point ka pero baka di mo nakikita na may iba pang point diyan.”

Si Maricar naman ay naiyak na sinabing si Richard ang pinakamahalagang regalong natanggap niya from the Lord. “He's the most unique gift I have received my entire life. he really gets into your heart and sees you for who you are. And he helps you fix...you know he takes your problem and he says, 'Hey this is your problem, you have to face it and this is what we are going to do to fix it. So laging 'Hey this is your problem' but hindi siya nagd-dwell dun. He goes to the positiveness and how to overcome it. That's the greatest part of his gift." 

Binalak daw nila na magkaroon sana ng beach wedding pero para makaattend ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan ay nagdecide silang gawin na lamang sa Metro Manila ang kasalan. “We really wanted to keep the feel intimate. We wanted to invite people both of us knew, both of us had relationships with,” giit ni Maricar. 

Para sa aktres, ang memorable sa kanilang kasal ay ang kanyang paglakad sa aisle papalapit kay Richard with her parents. Pero si Richard inamin ay ang first kiss nila sa naganap pagkatapos ng kasal. “One thing stood out eh, which I thought would never happen. noong sinabing you may kiss the bride. Siyempre ako parang 'thank you Lord!' I have a friend who taught me certain things. Noong sinabi niya na first time niyang kiniss yung wife niya sa altar I was like wow that's crazy to me. Parang imposibleng gawin. But yung strongest line that hit me like a hammer was a line my ninong said to me, 'Richard, if you do not restrain, if all of us do not restrain, e di pagsinabi ng pastor na 'You may kiss the bride' it's not special kasi nangyari na eh.” Sa ikatlong try nahalikan ni Richard si Maricar dahil natatawa ito at minsang umiwas nang dahil sa make up niya. "The first kiss would take us three tries." 

In twenty years, nakikita ng dalawa na they’d still be together with children and a blessing to other people. "In a very nice house, with stable careers. We have certain plans now, that we wish to pursue. Yung steady lang. We feel 20 years from now, we want to be able to bless more people. 2 or 3 kids. Yeah," sabi ni Maricar. "We both talked na family is first in whatever career decision that we make specially for me. I see myself working pa rin. If there are roles for me but definitely when kids come, I have to step back a bit and make time for that as well."