• Home
  • Fresh Scoops
  • Daiana Meneses denies being abused by hubby Congressman Benjo Benaldo

Daiana Meneses denies being abused by hubby Congressman Benjo Benaldo

The model-actress says she and her husband are just a normal couple.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/16/2013 10:04 PM
Daiana Meneses denies being abused by hubby Congressman Benjo Benaldo


061713-diana_main.jpgNagulantang ang lahat sa mga larawang ipinost ng Brazilian model-actress na si Daiana Meneses sa kanyang Instagram account na naglalahad ng mga maseselang sitwasyon, mga katagang pagsusumamo ng isang babaeng inabuso. Marami lalong nagulat nang magpost siya ng larawan ng kanyang brasong may sugat na diumanoy resulta ng dahas. Nalagay tuloy sa spotlight ang kanyang asawang si Cagayan de Oro Congressman Benjo Benaldo. Lalong lumaki ang isyu nang magbigay ng kanilang suporta ang women’s rights group na Gabriela at  DSWD kay Daiana.  

Ilang araw na lumabas ang isyu, naglabas naman ng statement ang congressman na naglilinaw na nagkaayos na sila ni Daiana. Inamin din niya na kinasal na sila ni Daiana noong December 2012 sa Las Vegas. 

“We don’t owe explanations to anyone. But it has gotten to a point that even government officials are asking us about what’s happening. Yes I am aware of the DSWD but I have never ever reached out to them seeking for help. Gabriela, I answered right away na ‘No thanks, we’ll solve it ourselves,’” pagpapaliwanag ni Daiana. 

Naghahanap daw ng atensyon si Daiana sa kanyang asawa at hindi daw niya intensyon na mapasama sila. “In a way, I was actually seeking … he is always so busy. Sometimes we don’t really get to see each other… from him. I want to make it clear some people think we want attention from the public when it’s something like no, no, no. We’re just normal.” 

Inamin naman ni Daiana na sa kanya talaga galing ang larawan ng kanyang brasong may sugat. “Sa akin mismo. Dumating kami sa punto na violent eh. Nagkakasakitan kami.” Dinemo pa ni Daiana at Rep. Benaldo kung paano ang nangyari nang masugatan si Daiana. “We were stopping each other,” sabi pa ng model-actress. Hindi rin daw niya akalain na mapapansin ng mga tao ang kanyang mga posts. 

Mariing pinabulaanan ni Daiana na siya ay inaabuso ng kanyang asawa in any way. “No. We are just like a normal couple…I regret to have brought him into any situation that may allege him…” 

Sabi naman ni Rep. Benaldo na nainitindihan naman daw niya kung bakit nagawa iyun ng kanyang asawa. “I didn’t mind because I knew the truth.” Nagkaroon daw sila ng di pagkakaintindihan ni Daiana at hindi niya binigyan ng suporta ang kanyang asawa. “There was a previous problem that I didn’t bother supporting her. She was really trying to catch my attention … Something happened in the house with our people there and I was busy campaigning and I would always tell her I need my sleep. When I am campaigning, I had to wake up early. And then she would talk to me about things happening in the house and she thought I wouldn’t believe her and then she put those things na ‘ang sakit.’”

Sa sinabing ito ni Rep. Benaldo ay nagreact din si Daiana na, “It takes a post para maniwala ang pamilya niya na totoo ang mga sinasabi ko.”

Andito ngayon sa Pilipinas ang ina ni Daiana nang dahil sa kanyang mga ipinost sa Instagram. Naibahagi pa niya na maraming lumapit din sa kanya to express their concern. “All the people who would talk to me about Benjo would side with me, they would bash him. I would defend him.” 

Sa pangyayaring ito, ay sinabi ni Daiana na mas magiging maingat na siya sa kanyang pino-post. “Natutunan ko na you have to be careful of what you say because it’s up to the interpretation of who is seeing it specially because people don’t know you very well.”