• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin says Phil Younghusband beats her when it comes to surprises

Angel Locsin says Phil Younghusband beats her when it comes to surprises

The '4 Sisters and a Wedding' star shares Phil is effortless when it comes to giving her surprises.

BY PATTY RAMIREZ

FRESH SCOOPS

6/16/2013 10:28 PM
Angel Locsin says Phil Younghusband beats her when it comes to surprises


061713-angel_main.jpgKaka-celebrate lamang ng kanilang first anniversary sina Angel Locsin at Phil Younghusband bilang magkasintahan at sinurpresa daw si Phil ni Angel nang bigla siyang magpunta para manood ng kanyang football game. “Nagsurprise siya sa akin sa Singapore nanood siya ng game ko sa Singapore then we just had a nice dinner. Pagdating sa bahay niya there was a video I prepared with a lot of our memories together.” 

Hindi pa daw nagpropropose ng kasal si Phil pero sinabi niya na unang makakaalam nito ay ang ama ni Angel na naging malapit na din sa kanya. “We're very close. he gives me a lot of advice, about my professional career, my personal life, he makes me feel welcome into the family. To have someone like that I'm very lucky ... He'll definitely the first person to know even before Angel, so I let daddy know how I feel about Angel.” 

Nagulat si Angel sa video interview na ito ni Phil sa The Buzz kung saan ay live guest siya nitong Linggo. “Hindi niya sinasabi ever sa ‘kin kapag may interviews kaya nagugulat talaga ako. Saka ang hirap Tito Boy lagi siyang may pasabog, tapos laging lamang kesa sakin. Mas sweet kasi siya sa ‘kin eh so yung mga ganyang bagay ‘di niya masyado pinagiisipan. Ako lagi talagang effort pero lagi pa rin akong talo (sa sweetness). Lagi akong nagpapatulong ano ba pwede iregalo kasi lagi akong kulelat pag sa regaluhan.”

Inamin din ng aktres na sa sobrang closeness ni Phil sa kanyang ama ay minsan na-out of place siya kapag naguusap ang dalawa. “Pareho silang athletic. Pareho silang mahilig sa sports. Si Daddy kasi sports director before. Asian gamer din so meron silang mga salita na sila lang nakakaintindi. Di ako nakaksingit talaga...minsan na O-OP kasi ako.” 

Sa acting naman, sa dami ng nakuha niyang awards this season, inamin ni Angel na napre-pressure din siya dahil malaki na din ang expectation ng tao sa kanya. “Nandun po yung nagkakroon ka ng additional confidence pero andun po talaga yung dagdag na pressure. Baka masyado na silang mag-expect para sa kin or masyado na akong ma-type cast sa mga drama mga ganun. So may pressure po talaga lalo na sa kin kasi may pag-ka perfectionist ako. Kahit Ok na sa director ko, pag di ko naramdaman, pinapaulit ko pong talaga kasi nakakahiya sa mga manonood. kasi ganun naman talaga yung gusto ko mangyari, gusto ko po maghatid ng kwento, lalo na sa mga taong nakakarelate sa pinagdadaanan ng role ko, gusto ko kahit papano makapagbigay ng inspirasyon.” 

Very thankful din si Angel sa Star Cinema na nagbigay sa kanya ng mga magandang break. At ngayon napasama pa siya sa 4 Sisters and A Wedding, ang unang pelikulang handog ng film outfit sa kanilang 20th anniversary celebration.