KC Concepcion talks about taking on more daring roles

KC Concepcion says that being daring should still coincide with being true to one's self.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/15/2013 10:33 PM
KC Concepcion talks about taking on more daring roles


061613-kc_main.jpgSa kakaibang pagganap ni KC Concepcion sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala kung saan makakasama niya ang Reyna ng Teleserye na si Judy Ann Santos, ibinhagi ni KC ang kanyang excitement sa pagganap niya bilang ang kontrabidang si Alexis. “Nako masyado na kong… hindi na ko mapakali kasi ang tagal-tagal na nito. This has been nine months in the making or even more. Talagang pinapaganda ng mga director namin yung teleserye na ito.”

Aminado si KC na mas naging close sila ng kanyang Ate Juday sa teleseryeng ito. “Working with Ate Juday parang ayokong mag-end. Parang iniisip ko nga kanina, ‘Ang bilis na lang nito. Once na umere to parang isang ganun lang tapos na naman yung isang project!’ Sabi ko parang mami-miss ko masyado si Ate Juday at yung cast kasi napakaganda ng relationship naming mga artista sa set. You know, I really feel welcome as an actress and I feel so comfortable with this team.”

Maraming nag-aabang sa pagganap ni KC bilang kontrabidang magpapahirap sa buhay ni Judy Ann. “Siguro ano lang, nagpakatotoo lang akon sa sarili ko. Yung emosyon kasi ng tao talagang… si Alexis kasi totoong tao siya eh hindi siya nagsu-sugarcoat, hindi siya goody-goody so kung ano yung nararamdaman niya, ilalabas niya yun! Ipapakita niya yun sa mga viewers, sa mga nanonood. So maganda lang yung pinagdaanan niya in terms of lahat. Ina-allow niya yung sarili niyang maramdaman lahat yun.”

Usap-usapan din ang mga kissing scene nila ni Sam Milby. “Nakapag-work na rin kami on several projects together tsaka parang buddy-buddy ko rin naman si Sam eh so komportable ako at the same time alam kong hindi rin kami pababayaan ng mga director naming at ni Ate Juday lalo.”

At nakakarelate din si KC sa ginagampanan niyang karakter na si Alexis. Aniya, “Siguro pag in-love ka, talagang nabubulag ka to a lot of things so si Alexis siguro yung type ni hinayaan niya yung sarili niya na ma-in love ng todo. Tapos hinayaan na lang niya yung sarili niyang maramdaman yung lahat ng meron para sa babaeng maramdaman para sa sitwasyon na yun.”

Ngayon ay napapansin na medyo daring na ang mga roles na ginaampanan ni KC. “Siguro ipapakita namin yung role na daring na hindi typical na daring na iniisip ng tao kasi si Alexis is still a playful person eh, so pwede siyang daring na playful pa din. Hindi siya yung tipong daring na masyado ng X-rated yung pagka-daring in a way. And I wouldn’t do that also. Ako pa rin to, si KC pa rin ito so hindi rin naman ako papayag sa sarili ko na masyado na kong mag-explore na hindi na nakaka-ako kasi natuto na rin ako na you can be a risk taker, you can be open to trying new things pero you have to still be yourself and be true to yourself.”