• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby speaks up about Piolo Pascual and Shaina Magdayao's supposed relationship

Sam Milby speaks up about Piolo Pascual and Shaina Magdayao's supposed relationship

Sam Milby says he would be happy for friends Piolo Pascual and Shaina Magdayao.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/15/2013 12:41 AM
Sam Milby speaks up about Piolo Pascual and Shaina Magdayao's supposed relationship


061513-sam_main.jpgSa muling pagbabalik ni Sam Milby sa primetime teleserye, marami ang naiintriga at nag-aabang sa kakaibang pagganap niya sa Huwag Ka Lang Mawawala. Maging si Sam ay hindi na maitago ang excitement dito dahil din sa mahabang preparasyon na kanilang ginawa. “I’m very, very excited. Siyempre you’re nervous at the same time. Ito ang first time na magkasama kami ni Juday (Judy Ann Santos) sa teleserye. That in itself is comforting yung [kasama mo] the Queen of Pinoy Soap Operas.”

Bago pa man magsimula ang telesryeng ito, naging bukas ang manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo na ayaw niya si Sam bilang kapareha ng aktres. Ngunit nabanggit na rin ni Judy Ann sa ilan sa kanyang mga interviews na kinausap niya ang manager para mapapayag ito na magkasama sila sa nasabing telesrye. Kaya naman nagbigay ng reaksiyon si Sam sa pagtatanggol sa kanya ni Judy Ann. “I can’t be more thankful kay Juday. Sana hindi siya nagsisi na ako yung pinili niya para sa role na to. Sobrang thankful talaga ko sa kanya, kay Sir Deo (Endrinal), ABS-CBN for including me in this. Parang ito yung pagkakataon na palaguin yung kakaibang role para sa akin. This is the first time I’ve done this extreme of a role. I’m thankful na I was given to take a chance on this kind of a role na sobrang iba sa mga roles na ginawa ko dati.

Isa din sa mga kinaharap na issue ni Sam ngayon ang balitang patuloy ang kanyang panliligaw kay Shaina Magdayao. Kamakailan lang ay kinumpirma nina Piolo Pascual at ni Shaina na magkaibigan lang sila at hindi nakikipagdate sa isa’t isa. Nang matanong si Sam kung ano ang kanyang reaksiyon patungkol dito, aniya, “Kung may… Hindi naman kailangan mag-comment eh. I mean, Shaina and I had a relationship to… for me, if they’re happy then I would be happy for them.”