Piolo Pascual confirms that his son wants to enter showbiz

Piolo Pacual wants his son Iñigo to finish his studies before he joins showbiz.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/14/2013 9:27 AM
Piolo Pascual confirms that his son wants to enter showbiz


061413-piolo_main.jpgMasayang ibinahagi ni Piolo Pascual sa panayam ng Showbiz Inside Report Online na kasalaukuyang bakasyon sa Pilipinas ang anak niyang si Inigo.  Aminado si Piolo na hindi sila mapaghiwalay na mag-ama ngayong pagkakataon nilang magsama ng mas matagal na panahon. “Yeah he’s here for a vacation so everywhere I go, nagkakahiwalay lang pag magbabanyo lang. Para kaming anino ng isa’t-isa. This is the time to of course bond and make up for the lost time kasi he’s in the States. Talagang everything that we do, ito kahit na may contract signing ako, may meeting ako, may taping ako, magkasama kami. He’s always with me.”

Natanong si Piolo kung papayag na ba siya na pumasok sa pagsho-showbiz ang kanyang anak. “Gusto niya mag-artista. So our only deal is for him to finish high school pero meron kaming usapan na he wants to get in college and take up Performing Arts… The only deal I have for him, pag 18 naman na yan ‘di mo na mapipigilan yan eh pero if you ask for it, I wanted him to finish college first so he’ll have a degree, something to fall back on and iba yung kahit papaano may knowledge ka.”

At kung sakaling desisdo ang kanyang anak na pumasok sa showbiz, aniya, “Honestly susuportahan ko yang bata, anak ko yan eh! kahit anong gawin niyan ultimo dumating na yan sa punto na kailangan na niyang mag-decide for his own, you just have to be there for support.”

Ngayong nalalapit na ang Father’s Day, ibinhagi ni Piolo ang ilan sa ginagawa ng kanyang anak tuwing dumarating ang okasyon na ito. “What I enjoy about Iñigo’s sweetness is he makes me personalized cards out of a bond paper or whatever. He draws especially when he was a kid. Noong bata pa siya mahilig talaga siyan kinokoloran niya, he makes his personalized greeting card and I find it really special and for me yun yung pinaka-meaningful because galing sa puso ng bata. It doesn’t matter kung papel lang yun, ang sa akin yung yung effort eh.” Pero sa nalalapit na araw na ito, wala pang napapalano ang mag-ama sa espesyal na araw na ito. “Hopefully after ASAP. Yeah for sure I want to make it special for him, para sa kanya yun. Wala naman akong ibang anak.

At hindi pa rin matigil-tigil ang usapin tungkol sa kanila ni Shaina Magdayao. Nagsimula ang balitang may namamagitan sa kanila nang mag-post si Shaina ng sunod-sunod sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Piolo at tumindi pa sa mga balitang lagi silang nakikitang magkasama. Natanong na si Shaina ng ilang beses at itinatanggi ng dalaga na higit pa sila sa pagiging magkaibigan na sinegundahan din sa panayam na ito ni Piolo. Aniya, “Shaina and I are friends. We’re both busy. Trabaho sobra, may ginagawa siyang pelikula, ginagawa niya yung JDC (Juan dela Cruz), she does ASAP. We get to see each other sa ASAP lang. So trabaho muna, work, work, work.”