• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos on slapping scene with KC Concepcion: 'Natakot siguro siya sa akin'

Judy Ann Santos on slapping scene with KC Concepcion: 'Natakot siguro siya sa akin'

Judy Ann Santos shares how she convinced KC Concepcion to accept the kontrabida role in 'Huwag Ka Lang Mawawala.'

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

6/13/2013 8:45 AM
Judy Ann Santos on slapping scene with KC Concepcion: 'Natakot siguro siya sa akin'


061313-juday_main.jpgAll set for the June 17 airing of her comeback teleserye Huwag Ka Lang Mawawala, Judy Ann Santos admitted she is excited to work with KC Concepcion who plays the role of the other woman in the life of Juday’s husband, played by Sam Milby. “Masasabi ko talagang perfect yung role for KC. It’s about time na gumawa siya ng ganitong klaseng role. Swak na swak sa kanya and with this role masasabi kong aktres talaga siya dito. Kontrabida siya dito na maiintindihan mo kung bakit. Hindi siya kontrabida na basta na lang nagpapapatay ng tao o basta na lang nagtataray. May pinanggagalingan siya. Yun naman din yung hinimay namin. With KC’s features, hindi naman talaga siya mataray eh, kailangan kaawaan mo din siya at maintindihan mo kung bakit ganun yung naging character niya with Sam,” she revealed.

Juday said her closeness with KC’s mom Sharon Cuneta also proved to be an advantage when it came to building a rapport with the X-Factor Philippines host. Juday admitted she tried her best to convince KC that the role was a good career move for her even though she will be playing an anti-hero. “Malaking bagay yun kasi nakakapag-open up sa akin si KC pag kunwari may mga tanong siya with regards to the scene at saka alam naman niya na lahat kami dito na nakapaloob sa Huwag Ka Lang Mawawala, nakabantay kami sa kanya, nakaagapay kami sa kanya. Hesitant siya actually na tanggapin itong role kasi nga kontrabida. In-assure lang namin siya na itong klaseng role na ito ang talagang magpapakita sa mga tao na may naiibang side si KC Concepcion na puwede ipakita at napagwagian naman namin yun. Very proud ako na sabihin na matutuwa kayo sa trabahong ginawa ni KC dito,” she shared.

The talented actress also shared that KC still has to get used to doing their confrontation scenes which involve slapping each other. “Hindi naman ako marunong sumampal ng hindi totoo. Sinampal rin niya ako pero hindi masyado totoo (laughs). Natakot siguro siya sa akin. Naaalangan kasi siya. Feeling niya Ate niya sasampalin niya, ganyan. May moment talaga na kailangan mo siya bigyan ng matinding sampal kasi kailangan. Dapat si KC yung mag-explain kung ano yung pain na naramdaman niya pagkatapos nung sampal (laughs),” she said.

Juday said her new series will contain lots of action in the storyline. “Ay hitik na hitik po ito hindi lang sa sampalan, pati sa bugbogan. Sa lahat actually. Pero yung mga bugbogan scenes dito yung halos makatotohanan. Pati yung self-defense hinahanapan namin ng paraan na hindi siya magmukhang masyadong teleserye moment na hindi siya nangyayari sa totoong buhay kaya ang lakas ng dating sa akin nitong soap na ito kasi gusto naming ipakita sa mga tao na ang mga nangyayari sa mga teleserye especially sa Huwag Ka Lang Mawawala, puwede ito gawin ng mga babae. Puwede nila protektahan ang mga sarili nila. Kung anong puwede nila gamitin sa bahay para maprotektahan nila yung sarili nila, not necessarily bumaril o pumatay ng tao. Yung sapat lang para makatakbo sila at makahingi ng tulong. Parang mga ganun,” she explained.

Even though she admits that she and KC have gotten closer because of the show, Juday said it has not gotten to a point where they have shared personal problems with each other. “Wala na siyang ibang inopen sa akin (laughs). Ang inopen lang naming topic dito sa trabaho namin is basically yung trabaho niya bilang isang kontrabida, kung paano ba niya gagampanan at itatawid yung character na ibinigay sa kanya at kung kaya niya ba. Ang kailangan lang naman ni KC talaga is yung back-up kasi siyempre takot siya, ngayon lang siya gaganap bilang kontrabida. Nung tinanggap niya ito actually hindi niya alam na yung role niya kontrabida. So ako nagsabi sa kanya na kontrabida kita. Sabi ko sa kanya ito yung pinakatamang panahon at pinakatamang project para pumasok siya sa isang bagong character bilang kontrabida. At saka isa pa, parang sa panahon ngayon, kailangan rini-reinvent mo din yung binibigay mong trabaho sa mga tao. So ito yung perfect vehicle for KC Concepcion talaga,” she said.

Watch Judy Ann Santos and KC Concepcion in Huwag Ka Lang Mawawala as it starts airing on June 17 on ABS-CBN on Primetime Bida. For more Kapamilya updates, log on daily to Push.com.ph and follow Push_Mina on Twitter.