• Home
  • Fresh Scoops
  • Carl Pempengco admits that he and sister Charice are not close anymore

Carl Pempengco admits that he and sister Charice are not close anymore

Carl Pempengco says he and his mom are still hurt about Charice's decision to leave their home.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/12/2013 9:26 AM
Carl Pempengco admits that he and sister Charice are not close anymore


061213-carl_main.jpgSa isyung kinasasangkutan ni Charice at ng kanyang inang si Raquel Pempengco, ang kapatid niyang si Carl Pempengco ay nagbigay din ng pahayag sa naging pag-amin ng kapatid tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Aniya matagal na nilang alam na mag-ina bago pa man umamin si Charice. “Matagal na. Matagal na naming siyang tanggap. Hindi ko na masyadong matandaan kung anong year. Sinabi na niya yun, umuuwi siya sa bahay. Sinabi na niya yun, tinanggap naman namin siya. Normal lang kami, nagbonding kami, lahat, nag-ano kami. Hindi ko lang talaga maintindihan yung ibang details kung bakit biglang nagkagulo…”

Kaya naman sa pag-amin ni Charice tungkol sa kanyang pagiging lesbiana, ang reaksiyon ni Carl, “Basta kapag ako naman kasi, pagka okay kay mommy, okay na din naman sa akin. Basta alam kong hindi siya nasasaktan. As long as walang nananakit sa kanya, okay naman sa akin eh. Pero pagka may nanakit na sa kanya gulo na talaga yun.

Napag-usapan din ang pag-alis ni Charice sa kanilang bahay. Ayon kay Carl hindi na rin ito ang unang pagkakataon na bigla na lang umaalis ang kapatid, at kumpara sa pag-amin ng kapatid sa publiko tungkol sa kanyang pagkatao. mas naging emosyonal si Carl sa pag-alis ni Charice muli sa kanilang bahay, “Mas umiyak ako nung naglayas ho siya nung ano kasi talagang hindi namin alam yung reason kung bakit siya umalis.” At hanggang ngayon ay wala silang komunikasyon ng kapatid.

Ang desisyon na rin na kausapin siyang umuwi mula sa kanila ayon kay Carl ay nakasalalay sa kanilang ina na naisip ding hayaan na muna ang anak. Ang kanilang naging eksplenasyon dito, “Hindi ko na kasi desisyon yun kasi kapatid lang ako. Si mommy na lang mag-aano nun. Pero sinasabi sa akin ni mommy, parang ano lang yan eh, the more na pilitin mo yung isang tao na ano, the more lang siya na magpupumiglas….. Hinahayaan lang namin siya na gawin yung gusto niya para siguro the next time na bumalik, hindi niya kami masisisi kung ano…

Ayon kay Carl, ilang beses na rin nilang sinuyo ang kapatid na umuwi pero lagi itong tumatanggi. “Kasi ilang beses na kaming nag-attempt. Ilang beses na rin yun. So yun na nga, dun na nga nagsimula si mommy na hayaan mo na gawin yung gusto niya para hanapin niya yung sarili niya. So yun muna, kasi tinry na namin yung una yung parang kumbaga parang yung lumalapit kami sa kanya, tinry na namin yung attempt na yun. So parang magta-try naman kami ng ibang ano ngayon, ibang approach. Kasi mahirap talagang pilitin yung taong ayaw, mahirap. Kasi minsan baka nararamdaman niyang masyado siyang tinatali so hayaan muna natin siya.

Kung dati sa bawat panayam na magkasama ang magkapatid ay nakikita silang sobrang malapit sa isa’t-isa, ngayon aminado si Carl na hindi na sila ganun kalapit ng kapatid ngayon. “Hindi na kami masyadong… hindi katulad nung ngayon. Yung closeness nung katulad nung noon, iba na talaga yung ngayon. Talagang hindi na masyado. Pero from the beginning naman kasi talaga, mas close sila ni mommy kesa sa akin.”

Sa paghingi ng tawad ni Charice sa naging panayam sa kanya kasabay ng kanyang pag-amin, nagbigay din ng rekasiyon si Carl tungkol ditto. “Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry kasi hindi naman kami galit sa kanya. Tanggap naman namin siya. Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry.”

Hindi man galit ang kapatid kay Charice nakikita naman niya ang kalungkutan na nararamadaman ng kanilang nanay sa nangyayaring ito sa kanilang pamilya na nakikita niya itong umiiyak gabi-gabi. “Kasi ako nasasaktan ako sa mga nangyayari eh paano pa kaya yung sarili naming nanay. Siyempre mas masakit sa kanya yun. And siyempre ako, hindi ko alam kung anong ano, kahit anong gawin ko hindi ko na rin. Merong something sa kanya na hindi ko kayang tugunan, na si ate lang ang makaka-ano. Hindi ko naman pwedeng ireplace ang ate ko. Hindi mangyayari yun, hindi mangyayari yun eh. Kahit anong gawin ko siya pa rin si Charice, ako pa rin si Carl.” Aminado siyang apektado din siya sa mga nangyayari. “Hindi ako masyadong iyakin pero talagang pag nakikita ko yung nanay kong umiiyak, talagang... Talagang mas nadudurog ako pag nakikita kong nasasaktan ang nanay ko. Hindi ko kaya.”

At may mensahe si Carl sa mga taong kumukupkup ngayon kay Charice. “Salamat sa pagkupkop nila. Ang ikinasasama lang naman ng loob namin eh kasi nung umalis siya, ilang weeks, ilang ano, ilang araw, ilang weeks hindi man lang nila sinabi. I mean kung ako magkukupkop ako ng isang taong lumayas at least di ba sasabihin ko na, ’O, nandito si ganyan. Wag ka ng magalala kami nang bahala muna sa kanya.’ Di ba, yun yung ano eh. Wala silang sinabing maski ano.