Raquel Pempengco disapproves of Alyssa Quijano for Charice

Raquel Pempengco believes that Charice will choose Alyssa over them, but is still hopeful that her daughter will come back to them.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/11/2013 9:15 AM
Raquel Pempengco disapproves of Alyssa Quijano for Charice


061113-raquel_main.jpgBinigyang linaw ni Raquel Pempengco ang kwento sa likod ng hindi pag-uwi ni Charice sa kanilang poder. Aniya, hindi na rin ito ang unang pagkakataon na hindi siya umuwi sa kanilang bahay ngunit ibinhagi ni Mommy Raquel ang naging huling balak ni Charice na magbalik na sa kanila.

Itong pag-uwi niya na ito, gusto ko siyang magbago. Hinihimok ko siya sa e-mail. Hindi pa kami nag-uusap sa phone. ‘Anak, sabi ko mag-aral ka. Kung ayaw mo ng kumanta, pagpatuloy mo yung pag-aaral mo, tutulungan kita.’ Sinabi niya, ‘Totoo po Mommy? Ayaw niyo na po akong kumanta? Mag-aaral na lang po ako? Kung gusto niyo po yun, yun po ang masusunod.’ Napaluha ako sa e-mail lang. Sabi ko, ‘Ang anak ko nagbabago na. Ang anak ko bumabalik na sa akin.’ Anong saya ang naramdaman ko noong gabi na yon. Na sana anak magpray ka kung ano man ang desisyon mo ngayong gabi na ito. Umaga, alas-otso ng umaga, tumawag sa akin ang anak ko, ‘Mommy, sunduin mo na ako dito.’ Sumigaw ako dahil nagpapaggawa akong sasakyan. ‘Bilisan natin! Wag ng ipagawa yan! Nagpapasundo ang anak ko!’ Sabay tulo ng luha dahil awang-awa ako sa anak ko. Pero hindi niya naramdaman yung sakit ko nung time, yung excitement ng isang ina nung susunduin ko siya dahil yun ang kauna-unahan na magkikita kami. Pero nung nakita ko siya kasama niya si Alyssa (Quijano, ang girlfriend diumano ni Charice). ‘Anak pwede kang umuwi. Pero wag mong isama si Alyssa.’”

Dagdag niya pa sa nangyaring ito, “Nung sinundo ko si Charice, nung nakuha ng nanay ni Alyssa si Alyssa sabi ko sa nanay niya pwede ko bang makausap si Alyssa. Hihingi lang ako ng sorry sa kanya dahil sa nasabi ko sa phone dahil mainit lang ang ulo ko nun. Sinabi ng nanay niya hindi ka kakausapin ng anak ko dahil sa dami na rin ng kasamaang sinabi sa iyo against Charice.”

Kwento pa ni Mommy Raquel, “Nagkaharap kami nung sinundo ko siya, kasama siya, hinatid pa namin siya, humingi pa sa akin ng pamasahe si Charice, inano pa namin siya ng isang matutuluyan. Kung hindi ko tanggap, masakit ba sa akin na tumulong ako na nasa sasakyan na hindi niya nakikita na iyak ako ng iyak sa unahan ng sasakyan dahil kahit na ayaw ko, pinilit niya na sumakay ng sasakyan si Alyssa.”

Si Alyssa Quijano ang sinasabing karelasyon ni Charice sa ngayon. Si Alyssa ay isa sa mga finalist ng X-Factor Philippines kung saan kabilang bilang judge si Charice. Ang dahilan ng ina sa hindi pagsang-ayon sa relasyon, “Dahil matagal ko ng kilala si Alyssa.” Dagdag pa ng ina, “Si Alyssa ang isang kakompitensya niya sa pagkanta. Alam ni Charice yan. Kahit si Charice yan, kung mababalik ang panahon, ayaw niyang makasama yung mga taong yon. Pero ang ikinahihinakit ko lang bakit siya yun, yun ang ipinagmamalaki niyang dun siya masaya… Hindi ko siya matatanggap kahit kailan.

Kahit na sinasabi ni Charice sa mahal niya si Alyssa, para sa ina hindi niya ito matanggap. “Sinabi ko na kay Charice maraming babae, marami kang mapipili na gusto mo pero ayoko kay Alyssa.” May mga personal na dahilan pa ang ina sa kanyang hindi pagtanggap kay Alyssa na itinanggi niyang sabihin pa.

Ibinahagi din ng ina ang naging pag-uusap nila noon ng anak tungkol kay Alyssa. “Sabi ko nga noon nung nag-usap kami ni Charice sa kwarto alam mo naawa daw siya kay Alyssa. Sabi ko sa kanya, ‘Alam mo Charice kung si Alyssa lang ay kaibigan mo malamang tutulungan ko pa siya sa career niya. Kukupkupin ko pa dito yun kung siya ay kaibigan mo lang.’”

Nagbigay din siya ng kumento tungkol sa paghanga ni Charice kay Sarah Geronimo; “Yung sa regarding naman kay Sarah siguro sabi niya lang yun para may masabi pero hindi galing sa puso niya yun.”

Tinanong si Mommy Raquel ng isang sitwasyon na kung saan ay babalik si Charice sa kanila sa kundisyon na kasama niyang muli si Alyssa. “Kaya nga maghihintay na lang ako na lumapit siya at tanggapin niya sa sarili niya na pamilya ang priority at hindi si Alyssa.” Naninindigan ang ina ni Charice na kailanman ay hinding-hindi niya matatanggap si Alyssa. “Sinabi ko naman sa kanya e na iba na lang na babae kung gusto mo iba na lang.”

Kwento din ni Mommy Raquel na lumapit na rin ang mga magulang ni Alyssa sa kanya para humingi ng tulong sa hindi rin pag-uwi ng kanilang anak. “Humingi siya ng tulong sa akin. Nagpatawag nga ako kay Ate Grace (dating manager ni Charice dito sa Pilipinas) na tulong sa media na gusto niya nang kunin si Alyssa at sinabi pa nga sa akin na malakas pa nga ang kutob niya sa impluwensiya mo sa anak ko. Yun naman ang hindi ko matatanggap kasi may isip din naman si Alyssa. Kung alam niyang mali si Charice sana man lang e anuhan niya rin ng ano, itama niya rin si Charice.”

At sa lahat ng nangyayaring ito, may isang masakit na naging pag-amin si Mommy Raquel tungkol sa kalagayan nila ngayon ng anak at ni Alyssa. Ang nagging tanong sa kanya, “So kaya niya na ipagpalit kayo [ni Charice kay Alyssa]?” “Malamang, sa nakikita ko ngayon,” ang sagot niya.