• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson opens up about why he talked about his relationship with Maja Salavador

Gerald Anderson opens up about why he talked about his relationship with Maja Salavador

Gerald Anderson said he believes it was about time to publicly acknowledge his relationship with Maja Salvador.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/1/2013 3:00 PM
Gerald Anderson opens up about why he talked about his relationship with Maja Salavador


060113-gerald_main.jpgIbinigay ni Gerald Anderson ang kanyang dahilan sa kanyang naging pag-amin sa tunay na namamagitan sa kanila ni Maja Salvador. “I think it’s about time, oras na. Kumbaga, nakakapagod ding itago, kumbaga hindi rin tama. Sinabi ko rin yung gusto kong sabihin dun sa article (sa StarStudio Magazine June issue) para hindi na rin humaba pa. Yun sinabi ko na rin ang lahat.”

At sa pag-aming ito, tinanong si Gerald kung pinaalam niya ba kay Maja ang tungkol dito. Inamin ni Maja na sinabi na lamang ito ni Gerald sa kanya matapos ang pictorial nito para sa StarStudio Magazine. “Basta lahat ng dapat na may alam na gagawin ko yun alam.”

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalawa bago makarating sa kung ano ang meron sila ngayon. Nandiyan ang iba’t-ibang mga isyung kumalat, ang iba’t ibang opinyon ng mga tao at maging ang pagkakasira ng samahan ng dating matalik na magkaibigang sina Kim Chiu at Maja. Kaya naman ngayong bukas na sila, natanong si Gerald kung naging worth it ba ang lahat ng kanilang napagdaanan. “Sa akin siguro the harder the fight, the sweeter [it is]. Kumbaga the more you fight for something na gusto mo talaga, worth it talaga so yun lang ang masasabi ko. Lahat naman tayo may kanya-kanyang laban sa buhay e basta maging strong lang kayo para sa lahat ng tao sa paligid mo.”

Aminado din si Gerald na mas natahimik na siya dahil sa ginawang pag-amin. “Mas at peace ako sa mga tao sa paligid ko kasi siyempre hindi lang ako siyempre di ba? Grabe ang social media ngayon, lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon but ang importante ang mga taong involved para na rin sa kanila yun so ginawa ko din yun para at peace yung mga mahal ko sa buhay at malapit sa akin more than me.”

Sa ilan sa mga naging panayam sa ina ni Gerald na si Mommy Vangie, aminado ang ina na mas malapit pa rin ang kanyng damdamin sa dating ka-love team ng anak na si Kim. Kaya naman nang matanong si Gerald sa reaksiyon ng kanyang ina, aniya, “Kumbaga ayoko nang humaba pa e kasi kapag nagsalita pa ako ano pa yun… so okay na yun. Take it or leave it. Masaya ako, masaya ako para sa lahat so yun na yun.” 

Inamin ni Gerald na laging may nasasaktan at may nasakatan pa sa nangyayari. Aniya, “Everyday nangyayari sa atin yan, minsan nasasaktan tayo. Minsan nakakasakit tayo pero yun na yun.”

At sa tanong na kung nais na niyang magkabati ang dating matalik na magkaibigang Kim at Maja, “Alam mo isang dahilan kung bakit ko ginawa yun ay para hindi na rin madamay si Kim sa lahat ng ito. Kumbaga, let’s just move on and kumbaga wala na po siyang… she shouldn’t be dragged in this mess so hayaan na lang natin.”