Arnel Pineda says won't leave Journey for a solo career

Arnel Pineda admits he owes his career now to Journey and owes the band for his career.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/9/2013 8:41 AM
Arnel Pineda says won't leave Journey for a solo career


050913-arnel_main.jpgVery visible ngayon si Arnel Pineda sa Pilipinas. Maliban sa programang ASAP 18, marami pa siyang mga shows at singing engagements sa bansa. Kaya naman nang kamustahin ng Push.com.ph siya kung ano na ang latest sa kanyang bandang Journey, ang magandang balita ng singer, “We’re good, we’re good. Ahh actually… aalis na ako ulit to pursue our 11th show in the UK. I’ve been here for a while. I’ve been here for one month and a week na ako nandito.”

Natanong din si Arnel kung saan niya masasabing mas masaya siya pagdating sa takbo ng kanyang karera, kung dito o sa ibang bansa. “Both naman. Pero siyempre alam naman natin ang takbo ng buhay ngayon sa mundo eh. Kailangan as much as we work very hard, we play very hard. And of course, that part I do with my family.”

Hindi rin maikakaila ang laki ng pangalan niya at ng kanyang banda sa ibang bansa base na lang sa mga sold-out concerts nila. “Yung nangyayari with Journey, grabe raw kasi. It’s been successful since the beginning, lahat ng mga shows namin talagang masasabi mong 97 to 99 percent sold out. So, big crowds talaga.”

Nang matanong ang rock star kung saka-sakaling kinailangan niyang mamili sa pagiging solo artist sa Pilipinas o bilang parte ng banda, sagot niya, “Palagay ko dun pa rin ako sa Journey kasi yun talaga yung nagbigay sakin ng break eh. I think they’re the ones who made me. Kung hindi dahil siguro dito, hindi pa rin. I’m not generalizing kung ano yung mga hindi pumansin sa akin dito pero I think because of this phenomenon napansin talaga ako dito.”

Ang paliwanang naman ni Arnel sa kanyang pagpiling manatili sa banda kung saka-sakali, “Kasi I’ve been in the business for almost 30 years, hindi talaga ako naka-breakthrough dito. But because of my gig with Journey I was able to be recognized as isa sa mga people na nagbibigay ng pride sa Philippines.”