• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Yap reacts to being compared to heartthrobs Piolo Pascual, Sam Milby, and Coco Martin

Richard Yap reacts to being compared to heartthrobs Piolo Pascual, Sam Milby, and Coco Martin

Richard Yap is thankful and flattered for being compared to some of showbiz's top heartthrobs.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

5/8/2013 9:22 AM
Richard Yap reacts to being compared to heartthrobs Piolo Pascual, Sam Milby, and Coco Martin


050813-richard_main.jpgMaraming pinagkakaabalahan ni Richard Yap ngayon. Maliban sa kanyang pangtanghaling programang Be Careful With My Heart, nariyan ang kaliwa’t kanang mga out-of-town shows at shoots. Aminado si Richard na ang oras niya ay halos nakagugol sa trabaho lamang. Kaya naman sa dami ng kanyang ginagawa, pati pagtulog ay may kaukulang oras. Aniya, “Normally two to three hours a day. Well with commercials, ads, photo shoots and all that, interviews so that leaves me with two to three hours everyday.”

Ngunit sinisiguro niyang nagagampanan niya ang mga dapat pagtuunan ng pansin pagdating sa kanyang trabaho. “I think it’s time management talaga. You have to set your priorities and do what’s important first. Well, obviously that’s work first and that leaves me little time for anything else so kung merong extra time you try to do things as part of my social responsibility and try to influence others.”

Isa sa mga nais pagtuunan ngayon ng pansin ni Richard ay ang paggawa ng konkretong plano upang makatulong sa mga street children kaya naman natanong din si Richard kung may balak din ba siyang pumasok sa pulitika lalo pa’t may ineendorso din siya ngayong kandidato na tumatakbo sa senado. “That has not crossed my mind. I have never been fond of doing anything political, ngayon lang. I just feel that kailangan na, nasa posisyon tayo to influence others we should put it to good use kaya ginagawa natin ito.”

Sa ngayon ay nakasentro si Richard sa kanyang mga proyekto sa showbiz at dahil sa matinding kakiligan at paghanga na kanyang naibibigay sa kanyang mga tagahanga at manonood, hindi na maiwasang maikumpara siya at malinya kina Piolo Pascual, Sam Milby, at Coco Martin na ilan lamang sa mga certified heartthrobs ng henerasyon ito. Kaya namang nang kuhanan din ng Push.com.ph ng reaksiyon si Richard tungkol dito, “Of course that is very flattering. As we all know I have been only been in the business for two years. It is really overwhelming but I would like to thank everyone for considering me as such, but malayo na ang narating nila ako papunta pa lang.”

Hindi na talaga maikakaila ang Be Careful With My Heart mania. Kahit saan ay bukambibig ang nasabing programa at ang paghanga ng mga manonood at tagasubaybay nina “Maya” at “Ser Chief”, lalo na ang mga netizens na malakas magbigay ng opinyon sa social media. At sa sobrang lakas ng epekto ng kanilang tambalan, tila mga obsessed nang maituturing ang ilan sa love team at sa programa. Kaya naman nang matanong ng Push.com.ph si Richard kung nangangamba ba siya sa hindi magandang pagtanggap kung sakaling itambal siya sa iba sa kanyang mga susunod na proyekto, “Like I said nga we have mature viewers now. Nakaka-discern na yung mga tao from what’s real and reel in TV so later on if we do go on to other projects, they can accept that. Nasa pagdadala naman ng project yan e.

Pakilig na nga ng pakilig ang mga eksena sa Be Careful With My Heart lalo pa’t inamin na ni Ser Chief ang kanyang tunay na nararamdaman kay Maya, at ang bawat nakakakilig nilang eksena ay nagiging trend at pinag-uusapan sa mga social media sites. At isa nga sa mga inaabangan ay kung magkakaroon ng kissing scene ang kanilang mga karakter, at ang naging sagot ni Richard dito, “Nag-aabang din ako. Wala pa yun sa script namin pero, depends how deep the relationship goes.”